Advertisers
NO. 1 trending nationwide ang pagsisimula ng “Pulang Araw” sa GMA Network kamakalawa ng gabi, July 29.
Pinag-usapan ng viewers ang #PulangArawWorldTVPremiere sa X kung saan umaapaw ang mga papuri para sa serye. Sey ng ilan sa kanilang tweets, “Napakaganda ng ‘Pulang Araw’ parang pelikula!!! Napakahusay ng mga artista!!! Galing talaga!!! Ang ganda ng cinematography, ang husay ng aktingan lalo na ‘yung batang Adelina at veteran stars natin.”
Samantala, top 1 TV show rin ang “Pulang Araw” sa Netflix Philippines! Damang-dama talaga ng viewers ang heartfelt drama at exciting action scenes ng show. Komento ng netizens sa Facebook page ng Netflix, “5 minutes into the show, umiiyak na ako. A great start to this promising series. Mas lalo mong mamahalin ang Pilipinas.”
Simula pa lang ng most important drama of 2024! Tumutok sa “Pulang Araw,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:00 p.m. sa GMA Prime, Kapuso Stream, at GTV. Puwede rin itong i-stream sa Netflix Philippines.
***
Beatrice Royales, makikigulo sa Widows’ War!
NAGBABALIK ang kinainisan pero minahal na karakter ni Lianne Valentin sa “Royal Blood” bilang Beatrice Royales. Nitong Biyernes (July 26), ipinasilip ang fierce at mysterious role ni Beatrice sa high-rating murder mystery series na “Widows’ War.”
Mas makikilala na ang papel ni Beatrice sa buhay ni Basil Palacios (Benjamin Alves). Anong surprise kaya ang hatid niya sa birthday party ni Basil?
Samantala, tuluy-tuloy lang ang panalo sa ratings ng “Widows’ War!” Marami pang pasabog na mangyayari kaya tumutok na gabi-gabi, 8:50 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. May delayed telecast din ang “Widows’ War” tuwing 10:40 p.m. sa GTV.