Advertisers
Ni Nick Nañgit
ANG daming lihim ang nabunyag, dahil sa Pluto Retrograde na nagsimula na noon pang Mayo hanggang Oktubre 11. Nandiyan din ang karma na dala ng Saturn Retrograde na nagsimula naman noong Hunyo 30 hanggang Nobyembre 15. At kasabay din ang reyalidad na ipinamukha sa atin ng Neptune Retrograde na nagsimula na noong Hulyo 2 hanggang Disyembre 15.
Una, nagkalat sa social media ang nakatiwangwang at matapang na pagkalalaki ni Mark Anthony Fernandez. May mga nagsasabing promo lang ito ng bago niyang pelikula. Pero, ayon sa nakita natin, siya pa mismo ang nag aayos ng camera. Kumbaga, alam niya ito at hindi naman niya itinanggi. Nagulantang lang ang maraming netizens, dahil hindi nila akalaing magagawa niya ito. Ano ang hangarin niya? Bakit niya ginawa ito gayung may edad na siya?
Marahil ay gusto niyang patunayan na hot actor pa rin siya, subali’t ikinagulat naman ito ng anak niyang si Grae. Hindi lang natin alam kung napanood na rin niya ito.
Pangalawa, may dating PBB housemate na si Michael Ver Comaling na umano’y nagsolo, at may isa pang bagong artista ng Viva na si Arron Villaflor na sinundan din ang yabag ni Mark. Tinatanggi ni Michael ang bidyow niya, samantalang dedma lang si Arron.
Bukod sa nabulgar na ang kanilang pinagkakatagu-tago ay haharapin din nila kung sila’y seryosong tatanggapin sa showbiz. Ang tanong tuloy ng madla ay kung may sinisinghot ba sila o nilulunok, para magkaroon ng lakas ng loob gawin ang mga bagay na yun.
Pangatlo, ang baklang si Sir Jude Bacalso na ipinagpipilitang huwag daw Sir ang itawag sa kanya ng food server na si R-Jay Costelo Marcilla, kaya’t binantaan at hinayaan pa niyang nakatayo ito sa harap niya ng dalawang oras na nagdulot ng sobrang trauma kay R-Jay na hindi raw makausap ng mga katrabaho niya, hindi pumasok ng ilang araw, at nagtanggal muna pansamantala ng kanyang social media accounts.
Ang lakas ng bwelta ng buong sambayanan sa pagpapahiyang ginawa at kayabangang ipinagmalaki ni Sir Jude. Bukod sa nagmamataas pa rin siya hanggang ngayon sa mga posts niya na tila naghahamon sa mga mas maliliit na tao ay naungkat ang isang kasiraan ng mga LGBT. Yan ay ang kawalang respeto sa kapwa, para lamang kilanlanin sila.
Pang-apat, may nakisawsaw pa sa isyu ni Sir Jude na mga tranelang ipinagpipilitang mga babae raw sila, dahil sa hitsura nila, at isinisigaw ang SOGIE bill, pati ang pariralang i-educate raw ang lipunan sa tamang pagkakakilanlan ng kanilang kasarian.
Muli, nabuksan ang isyu ng SOGIE na imbes pahalagahan ay lalo lamang nababaon sa basurahan. Umalma na rin ang mga kababaihan na nagsasabi sa mga tranela na wala silang kapasidad manganak, kaya’t hindi sila nabibilang sa mga totoong babae. Kailangan nilang harapin ang katotohanan na kung hindi pa sila nagpapapalit ng kasarian, sila’y mga bakla lamang na nagpapanggap na babae sa damit, make-up, buhok, at pagpapalaki ng dibdib. Iba ang gender identification sa transexualism.
Panglima, ang nakagugulantang na pagbubukas ng Paris Olympics kung saan ay puro mga drag queens ang umastang parang nasa Last Supper na larawang ipininta ng tanyag na pintor na si Leonardo Da Vinci, subali’t ipinagtatanggol pa nilang Bacchanalia raw iyon, na isang pestibal ng kasaganaan at kahalayan sa Roma.
Kahit humingi pa ng paumanhin ang International Olympic Committee sa buong mundo, lumantad pa rin ang kawalanghiyaan ng kanilang programa na nilalapastangan ang paniniwala ng iba, kahit ba sabihing hindi nila ito sinadya. Wala naman kasing kaugnayan ang Bacchanalia sa Olympics na sinimulan sa Gresya. At saka, hindi nagsusulong ang “kitsch tableau” nila sa mga layunin ng paggalang, pakikipagkaibigan, at pagalingan sa larangan ng pakikipaglaro, bagkus kasiraan ng kaisipan ng mga tinatawag na wokes sa mga taga-Kanluran.