Advertisers

Advertisers

Christy stepping stone ang pagpapaseksi

0 39

Advertisers

Ni Archie Liao

Masaya ang Viva artist na si Christy Imperial na pagkatapos na ilang taong pagpupunyagi ay tila nagbubunga na ang kanyang pagsisikap na makagawa ng sariling pangalan sa showbusiness.

Pagkatapos na lumabas sa Vivamax movies tulad ng Top 1 at Dirty Ice Cream at seryeng “The Rain in Espana”, masasabi niyang biggest break niya ang pelikulang “Putik sa Mukha ni Angelita”.



Isa kasi siya sa mga bida sa nasabing obra ng namayapang director na si Edz Espiritu.

“Super grateful po ako sa trust na ibinigay na ibinigay sa akin ng producers. This is my first starring role,” aniya.



Aniya, happy din daw siya na nabigyan siya ng project kung saan maisho-showcase ang galing niya sa drama department.

“This is my first serious role. Kasi, gumagawa rin po ako ng movies sa Vivamax. I’m glad po na nabigyan ako ng opportunity na maipakita naman iyong ibang side ko other than pagpapa-sexy,” bulalas niya.



Aniya, tulad ng ibang actress, stepping stone raw niya ang pagpapa-sexy para makagawa ng pangalan sa showbizlandia.

“Iyon naman pong ibang magagaling na actors at actresses natin, nagsimula rin po sa pagpapa-sexy pero in the end naman po nakilala rin sila bilang award-winners. Iyon po ang path na gusto kong sundan,”katuwiran niya.

Dagdag pa niya, balang araw, goal din daw niya na grumadweyt sa paghuhubad.

“Iyon naman po talaga ang ultimate goal ko and hopefully with this movie, ito po ang mag-pave ng way,”pagtatapos niya.

Sa “Putik sa Mukha ni Angelita” ginagampanan ni Christy ang papel ng Isang teenage mom.

Tinatalakay din sa pelikula ang issue ng unwanted pregnancy, bullying at iba pang societal issues.

Mula sa panulat ni Tom Adrales at sa direksyon ni Edz Espiritu, introducing din sa pelikula ang child wonder na si Seren Pearce.

Kasama rin sa supporting cast sina Angel Raymundo, AJ Ferrer, Patricia Ismael, Caramel at marami pang iba.