Advertisers

Advertisers

Kathryn nabuking na Lucena mayor ang bagong suitor; Dingdong ‘di na ulit gagawa ng pang-MMFF na film

0 54

Advertisers

Ni Jovi Lloza

Katatapos na Star Awards for Movies ay nabitbit ni Dingdong Dantes ang pagka-Best Actor para sa blockbuster film na entry nilang mag asawa na Rewind sa nakaraang MMFF.

Ka-tie ni Dingdong si Alden Richards sa Best Actor para sa film na Five Breakups…



May netizen na nag-ask kay Dingdong sa kanyang socmed kung may plano ba sila ni Marian Rivera ng follow up sa Rewind.

Patotoo ni Dingdong to do another filmfest for this year silang mag-asawa.



Pero buong ningning nitong tinanggihan ang mga offer para magkaroon sila ng entry na couple ngayong taon sa MMFF.

Di na nga raw sila gagawa ng film na entry sa MMFF 2024.



Inurirat si Dingdong na kauna-unahan sa kanyang showbiz career ang pagkapanalo nito sa PMPC Star Awards.

Di na nga raw sila gagawa ng pang entry sa MMFF this year.

Paliwanag pa ng TV host actor na nung buong December ay nagpro- promote silang mag asawa.

Kaya wag nga raw asahan na may entry ang couple na DongYan sa parating na MMFF.

Gusto ng couple na matutulan at makasama ang 2 anak lalo na’t Christmas season ang panahon na ginawa nila ang Rewind.

***
GWAPO at artistahin ang peg nitong manliligaw ni Kathryn Bernardo ayon sa sitsit ng chuwariwak.

Dati raw itong basketball player noon sa La Salle.

Naugnay na rin daw ito sa Kapuso actress na si Ashley Ortega na naghiwalay din matapos ito manalo sa pagka-mayor ng South.

Eto naman ang pinagpipiyestahan at pag-usapan na ang manliligaw ni Kathryn ay isang politician sa South.

At pinangalanan na nga ng chuwariwak kung sino ba ang manliligaw nitong si Kathryn na politician ng South.

Yes, isa nga raw incumbent mayor ng Lucena na si Mark Alcala ang manliligaw ni Kathryn.

Wait pa rin ang mga netizen sa kumpirmasyon kung true na si Mayor Mark nga ay manliligaw ni Kathryn.

Well, well, well…Yun na!