Advertisers
NAISPATAN ng dalawang mangingisda ang pakete ng shabu na lumulutang sa baybayin ng Barangay Masisit, Sanchez Mira, Cagayan noong Martes.
Ayon kay Sanchez Mira Police Station (SMPS) commander Major Jeorge Jacob, ang nasabing kontrabando ay nakumpirmang shabu, base sa pag-examine ng Cagayan Police Forensic Unit (CPFU).
Sinabi ni Jacob, bago ang insidente, dalawang mangingisda ang pauwi na nang mapansin nila ang pakete ng plastic na palutang-lutang sa karagatang parte ng Barangay Masisit.
Kinuha ng dalawa ang nasabing pakete at sinurender sa pulisya.
Ayon sa SPFU, tumitimbang ang kontrabando ng isang kilo na nagkakahalaga ng halos P7 milyon.
Ayon sa pulisya, ang nasabing pakete ng shabu ay may Chinese marking na kagaya sa natagpuan sa West Philippine Sea sa Ilocos Norte at Ilocos Sur kamakailan.