Advertisers
SUGATAN ang isang government midwife nang tumama sa kanyang leeg ang propeller ng drone na pumalya sa pagpapalipad sa Barangay Poblacion, Palanas, Masbate, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Marites Abejuela Tumabaga.
Nasa agri-aqua fare sa Palanas ang biktima nang bumagsak ang drone habang ginaganap ang pinagdiriwang ng nutrition day 10:00 ng umaga ng Miyekules, Hulyo 31.
Hindi umano nakontrol ng may-ari ng drone ang pagpapalipad hanggang bumagsak ito patungo sa maraming tao at nasapol ang midwife.
Nabatid na walang kaukulang rehistro amg drone mula sa Civil Aviation Authority na otorisado diumano ng Federal Aviation Administratoon ukol sa legalidad ng paggamit ng drone sa buong bansa.
Ang naturang drone ay pagmamay-ari ng nakilalang Zerubabel Tamayo, residente ng Brgy. Nipa ng nabanggit na bayan.