Advertisers
SINUSPINDI ng Sangguniang Bayan (SB) ng Bengued, Abra ang kapitan at limang opisyal ng barangay dahil sa pag-apruba sa isang ordinansa na nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang mahuhuli na nagtatambakng basura sa Abra River.
Sa ulat ng SB, pinatawan ng dalawang taon na suspension sina Chairman Renato Brassuella, mga kagawad na sina Marjun Santiago, Rosemel Viado, Carmelita Venus, Marlon Barroga at Sangguniang Kabataan chairman Daryll Blanes, ng Barangay Calaba dahil sa nasabing kontrobersyal na ordinansa.
Inireklamo ng mga residente ang nasabing mga opisyal dahil sa grave misconduct, gross neglect of duty, gross dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of service noong pinasa nila ang barangay ordinance.
Sa ilalim ng kontrobersyal na ordinansa, pagmumultahin ng P1,000 para sa unang offense ang mahuhuling magtatambak ng kanilang basura sa Abra River; community service para sa ikalawang paglabag at pagbaril sa ikatlo at huling paglabag.
Sinabi ng SB na hindi isinumite ng grupo ang kanilang ordinansa sa Bangued municipal council para pag-aralan ito.