Advertisers
Nasawi ang isang pulis , 1 sugatan at 2 Chinese national ang naaresto ng mga elemento ng Philippine National Police-Anti-kidnapping Group sa naganap na engkwentro sa isinagawang rescue operation sa Angeles City, Pampanga noong Sabado ng umaga.
Kinilala ang nasawing pulis na si SSgt Nelson Santiago na nagtamo ng tama ng bala sa katawan habang nilalpatan ng lunas sa Angeles University Foundation Medical Center ang sugatan si CMS Eden Accad.
Samantala nakilala naman ang 2 nadakip na suspek na sina Hu Kai at Ryu Don na kapwa Chinese National .
Habang nasagip naman ang dalawang biktima na si Zhou, Lin at Zhou, Jiangxian na kapwa Chinese National.
Ayon kay BGen Cosme Abrenica, Dir PNP-AKG, 2:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang PNP-AKG Luzon Field Unit sa De Guzman St Sitio Feliza, Angeles City, Pampanga.
Nabatid na ang dalawang biktima kinidnap sa Avenida Ayala, Makati City noong Aug. 3,2024 at dinala ng mga suspek sa safehouse sa Angeles City, Pampanga
Humihingi ang mga suspek ng P8,000,000,00 ransom sa pamilya ng mga biktima kapalit ng kalayaan ng mga ito.
Agad naman ipinagbigay alam ni Zheng Zhue, Chinese Police Attaches sa PNP-AKG matapos na humingi ng tulong ang pamilya ng mga biktima.
Agad naman nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad matapos na matakoy ang lugar nang pinagdalhan ng mga suspek sa mga biktima.
Nauwi naman sa engkwentro ang isinagwang operation ng mga otoridad kung saan nabaril sina Accad at Santiago habang ligatas na nasagip ang mga biktima.
Narekober sa mga suspek ang 1 cal 45 at cal 38 revolver, drug paraphernalia, weighting scale t lighter at ibat ibang uri ng jungle knives.
Nasa kustodiya ng PNP-AKG ang dalawang nadakip na mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito. (Mark Obleada)