Advertisers

Advertisers

PNP hindi naman bopols vs wanted persons pero bopols pa din…

0 21

Advertisers

Hindi naman bopols ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya ng ahensya laban sa mga most wanted person – iyong mga may pending warrant of arrest at sa halip, kaliwa’t kanan nga ang kanilang ginagawang panghuhuli – 24/7 ‘ika nga.

Sa katunayan, araw-araw na iniyayabang ng PNP ang numero ng kanilang mga naaaresto, hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa. Nandyan iyong mga nadadakip na nahaharap sa theft, physical injuries, estafa, rape, murder, homicide, kidnapping, carnapping, robbery hold-up at iba pa.

Ang nakatatawa nga lang sa mga nadadakip nila ay parating ikinokonsiderang number 1, 2,3,4,5,6…..9 most wanted person in provincial level, city level, station level etc.” – lahat ay may ranggo sa pagka-wanted sa batas. Iyong bang pinagaganda para lamang mapansin ng publiko na bigtime ang kanilang huli pero hindi naman.



Ano pa man, at least nagtatrabaho ang PNP upang kaharapin ng mga wanted ang kanilang kaso at higit sa lahat ay makamit ng kanilang mga nabiktima ang katarungan.

Kaya sino ang nagsasabing may pagkabopols ang PNP kung ang pag-uusapan ay panghuhuli sa mga wanted person o may mga pending warrabnt of arrest. Sino nga ba ang nagsabing bopols ang PNP o mahinang klase? Ang Senado nga ba?



E kung hindi bopols ang PNP, e ano itong ipinakikita nila sa publiko na kahinaan? Kahinaan? Hindi ba lumabas na napakahina ng kanilang intel network dahil hanggang ngayon iyong pabor ng Senado na arestuhin si suspended Bamban (Tarlac) Alice Guo ay hindi pa nila nadadakip? So, anong tawag sa ipinakikita ng PNP ngayon? Bopols ba? Ops nagtatanong ako ha at hindi nag-aakusa.

Hanggang ngayon wala man lang iniyayabang ang PNP na may intel report na sila kung saan nagtatago si Guo. E bopols nga e. Hindi naman. Siyempre hindi puwedeng ianunsyo ito dahil sa baka makaittad si Mayor Guo. Tama naman, pero ba’t hindi pa then nadadakip? Kasi nga kahit intel sa whereabouts ni Guo ay wala pa naalalaman ang PNP pero pagdating sa intel sa mga “vices” ay napakagaling ng PNP.



Pero kahit patuloy na binibigo ng kapulisan ang dismayadong Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa hindi pagkakahuli kay Guo, ani Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero na hindi maiwasan kuwestiyunin ang kakayahan ng PNP.

Ang good news naman ay kahit na nakadidismaya ang PNP, hindi naman daw babawasan ng Senado ang intelligence fund ng pulisya dahil baka mas mabibigong gawin ang kanilang mandato. Kasuwerteng PNP samantalang ang ibang ahensya kapag may kapalpakan ay binabawasan ang kanilang pondo.

Kunsabagay, ngayon palang na may pondo e bopols na ang PNP este, mahinang klase na ang PNP – e di mas lalo na siguro kapag tinapyasan ang kanilang intel fund. Naku po, sa totoo lang napakaraming pinagkukuhanan ang PNP ng kanilang ‘intel funds” Hehehehe.

Nakakanibago ba ang PNP laban sa mga bigtime na wanted? Hindi na. Noon nga e, may isang PNP chief na nagmano pa sa isang bigtime na akusado sa harapan pa ng mediamen kaya caught in the act si hepe at ipinalabas sa publiko.

Tsk..tsk…tsk…sadya bang pang-small time na wanted persons lang ang PNP – mga maglulupang wanted persons lang ang kayang arestuhin pero kapag bigtime e, hirap na hirap na sila samantalang nasa FARM lang naman si Guo.

May pagka – bopols ba ang PNP?