Advertisers

Advertisers

PNPA graduates pumalag sa atake ni Baste kay B/Gen. Torre

0 50

Advertisers

HINDI nagustuhan at nagngingitngit ang graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa naging pahayag ni Davao City Mayor “Baste” Duterte na sasampalin niya ang PNP Region 11 Director, Brigadier General Nicolas Torree lll, kapag nagkita, matapos palitan ng heneral ang lahat ng hepe ng pulisya sa lungsod.

Si Torre ay produkto ng PNP Tagapaglunsad Class of 1993.

Sa statement na inilabas ng PNPA graduates, na tinawag nilang Lakan Community, sinusuportahan nila si Torre laban sa mga atake ni Baste.



“Together, we condemn all forms od bullying, harassment and abuse, and we are committed to creating a safe and inclusive environment where everyone can feel respected and supported,” diin ng Lakan Community laban sa “powerful politician” sa Davao City.

Bagama’t hindi nila tinukoy kung sinong powerful politician sa Davao City ang kanilang pinatutungkulan, halata namang ito’y walang iba kundi si Baste.



Kung maaalala, nagbanta si Baste sa social media na kanyang sasampalin si Torre kapag nagkita sila. Ito’y matapos na palitan lahat ng heneral ang mga hepe ng pulisya sa Davao City dahil hindi raw naging epektibo ang mga ito sa pagsugpo sa kriminalidad sa lungsod, dinadaya pa ang mga ulat sa crime rate.

Pinangungunahan din ni Torre ang paghahanap sa puganteng founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na wanted sa mga kasong ‘child abuse’ at ‘qualified human trafficking’.



Si Quiboloy ay malapit na kaibigan at dating presidential spiritual adviser ng ama ni Baste na si Rody Duterte.

Sabi ng graduates, ginagampanan lamang ni B/Gen. Torre ang kanyang tungkulin bilang alagad ng batas, at dapat din itong nirerespeto ni Baste. Mismo!

Bastos kasi itong si Baste! Feeling niya hawak parin nila ang Pilipinas kaya ganun nalang ang trato sa mga opisyal ng pulisya. Pwe!

***

HINDI maganda na maging kritiko ng gobyernong Marcos, Jr. ang mga Duterte partikular si Vice President Sara. Bakit?

Kasi lahat ng ibinabato niya sa Marcos administration ay bumabalik sa kanya at sa kanyang ama (ex-Presidente Digong).

Tulad lamang ng sinasabi niyang hindi tamang paghawak ng pondo. Eh siya itong naglulustay ng pondo ng walang nakikitang proyekto ang taumbayan. Hindi niya maipaliwanag kung saan niya inubos sa loob ng 11 araw ang P125 million na intel fund niya pagkaupo noong Disyembre 2022. Hindi niya maipaliwanag kung paano ginastos ang P460 million a year na intel fund nung mayor siya ng Davao City, kungsaan lumalabas na mas malaki pa ang intel fund niya kesa malalaking lungsod sa bansa tulad ng Quezon City Manila.

Ang kanyang kapatid na si Polong, kinatawan ng 1st District ng Davao City sa Kongreso, ay nagkaroon ng P51 billion infrastructure projects kuno sa unang termino nito sa huling tatlong taon ng termino ng kanilang ama sa Malakanyang. Hindi raw makita kung saan itinayo ang mga proyektong ito.

Binabatikos ni VP Sara ang malawakang pagbaha eh 2 years palang si Marcos sa puwesto, ngayong 2024 palang nagsisimula ang mga proyekto nito.

Ang kanyang ama, Digong, ay 6 years sa kapangyarihan na hindi manlang nasolusyunan ang mga pagbaha sa kabila ng napakalaking pondo kada taon sa flood control projects!

Sad to say, “zero” cridibility ang mga Duterte partikular si VP Sara sa pag-critize sa Marcos administration. Mismo!