Advertisers

Advertisers

BUTUAN AIRPORT, NAKATANGGAP NG ‘BOMB THREAT’ SA TEXT MESSAGE

0 45

Advertisers

MABILIS na kumilos ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area Center 12, kasama ang mga awtoridad sa paliparan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at kawani nang hindi nagdudulot ng anumang abala sa mga flight operation matapos makatanggap ng bomb threat sa Butuan Airport Huwebes, Agosto 15.

Sa inisyal na ulat mula sa Butuan Airport Police Station (BAPS), nakatanggap sila ng text message dakong 5:14 PM na nagsasaad na may inilagay na bomba sa comfort room ng boarding area at naka-check in sa mga bagahe sa mga flight mula Cebu at Maynila.

Sinabi ng CAAP na agad na kumilos ang Command System upang i-coordinate ang emergency response at pamahalaan ang sitwasyon sa isang organisadong paraan.



Ang seguridad sa paliparan ay pinaigting, kung saan ang mga tauhan ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) ay nagdagdag ng kanilang visibility at nagsasagawa ng mga roving patrol sa mga landside area ng paliparan.

Tinulungan ng CSIS ang BAPS sa pag-detect ng anumang bagahe at kahina-hinalang aktibidad habang nagsasagawa rin ng patagong pagsubaybay sa loob ng Passenger Terminal Building.



Nagsagawa rin ang BAPS ng paneling at discreet clearing operation na nagta-target sa lokasyon ng bomb threat sa boarding area kasama ang lahat ng comfort rooms, check in counters at baggage build up area na nagbunga ng negatibong presensya ng mga explosive materials.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP ang bomb threat. Pinapaalalahanan din ng CAAP ang publiko na ang paggawa ng bomb threat ay labag sa Presidential Decree 1727, na maaaring magresulta sa multang aabot sa 40,000 pesos o pagkakakulong ng hanggang limang taon. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">