Advertisers
Arestado sa Calamba City ang tatlong pulis na natanggal sa tungkulin matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa bahay ng isang Indonesian national sa bayan ng Kawit, Cavite kamakailan.
Nahaharap sa mga kasong Robbery in Band sa ilalim ng Art. 295 ng RPC (6 Counts), ang mga natanggal na pulis na kinilalang sina Lynard Pastrana Pareja, 32-anyos, ng Dalahican, Cavite City; John Paolo Maigue Mellona, 39, ng Brgy. Marulas, Kawit at Reynaldo Andrada Quilit, 46; residente ng Lavaña Subd. Bacao 2, Gen. Trias City, Cavite.
Batay sa ulat ng pulisya, ang warrant of arrest na inilabas ni Emmanuel Ocsing, Presiding Judge, RTC ng Branch 120, Imus City, Cavite at sa ilalim din ng direktiba ni Regional Director PBrig. Gen Paul Kenneth Lucas, binisita ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Division (RID) 4A-RIT Ca arovite, Laguna at RSOU 4A, RIDMD 4A, 403rd RMFB 4A at Kawit Police ang tatlong dating kakilala sa Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna kung saan sila pansamantalang itinigil matapos tanggalin sa serbisyo.