Advertisers
Idinawit ng isang alias Ricky,umano’y bagman, engkargado at kolektor ng payola mula sa mga iligalista sa buong Central Luzon (Region 3) ang pangalan ni PNP Spokesperson Col.Jean Fajardo at ang mga opisyales at tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing rehiyon.
Buong kayabangan at kahambugang ipinagsisigawan umano ni alias Ricky si Colonel Fajardo at ang at CIDG Region 3 na umano’y unit na kanyang ipinangongolekta ng intelihensiya o payola mula sa mga operators ng sakla,pergalan,bookies ng lotteng,tupada,pasingaw/ paihi, jueteng at iba pang organized crime groups.
Ibinuko pa ni alias Ricky na may porsiyentong malaki umano si Colonel Fajardo sa payolang lingguhan nitong ipinapadala sa mga (Diyos) matataas ng opisyal ng kapulisan sa national headquarters sa Kampo Crame.
Kay Fajardo umano niya ito ipinadadala thru gcash at emoney transactions at si Fajardo na umano ang bahalang mag distribute ng ‘grasya’ sa iba’t ibang commanders ng mga elite offices sa Camp Crame that included the office of the chief PNP.
Ayon pa sa ating sources,malakas ang loob ni alias Ricky dahil may itinatago o iniingatan itong
‘ transaction records’ ( blue book) sa kanyang remittances sa payolang kanyang kinokolekta sakaling magkaindulto man.
Sinabi pa ng sources na naging bagman ng CIDG Region 3 si alias Ricky makaraan ito ang maging ‘highest bidder’ sa mga ‘ payola collectors’ na nag-sumite ng bids at nag-apply para sa nasabing posisyon
Tinatayang hindi bababa sa limang (5) milyong piso (Php 5-M) linggu- linggo ang total payola na kinokolekta nitong si Ricky para sa kapulisan.
Samantala,ibinulgar din ng sources ang ilan sa mga butas na kinukoleksyonan ng ‘intelihensiya’ ni alias Ricky.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1.PATULO/PASINGAW sa Plaridel,Bulacan
2.PATULO/ PASINGAW sa
Bustos,Bulacan
3.SAKLA sa Baliuag,Bulacan
4.SAKLA sa San Jose del Monte,Bulacan
5.SAKLA sa Sta.Maria,Bulacan
6.BOOKIES NG LOTTENG sa Pandi,Bulacan
7.BOOKIES NG LOTTENG sa San Jose del Monte, Bulacan
8.BOOKIES NG lOTTENG sa Obando,Bulacan
TUPADA (DERBY) sa San Jose del Monte, Bulacan
9.PERGALAN sa Pandi,San Rafael at iba pang siyudad at bayan sa buong Bulacan
10.PERGALAN sa buong Pampanga at iba pang probinsiya
11. Jueteng sa Bulacan,Pampanga, Rizal,Bataan
12.KATAYAN NG MGA CARNAP na sasakyan sa Bulacan,Pampanga,Bataan at Rizal.
Hindi pa umano kasama ang iba pang sindikato na nakalungga sa Region 3 gaya ng mga Kidnap For Ransom ( KFR) Gun For Hire,bank robbery groups,illegal drug rings at iba pang organized crime syndicates na naka- based sa Central Luzon.
Pilit sana nating kinukuha ang panig ni Col.Fajardo patungkol sa expose’ na ito through our colleagues in Camp Crame pero sobrang busy ata ng mabunying spokesperson.
Bukas ang abang pitak na ito para sa panig ni Col.Jean Fajardo.
I’m just a phone call away Col.Fajardo ma’am!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com