Advertisers
Nasawi ang isang Barangay Chairman at misis nito nang tambngan ng mga armadong kalalakihan habang papauwi ng kanilang bahay sa Sultan Kidarat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang mga biktima na sina Esmael Latip Mustzpha, chairman ng Barangay Bulibod, at misis nitong si Rahima, Barangay secretary.
Sa report, 10:00 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa Brgy. Bulobod, Sultant Kudarat, Maguindanao del Norte.
Nabatid na papauwi na ang mag-asawa matapos dumalo sa isang event na idinaos sa kanilang Barangay.
Ilang metro ang layo sa kanilang tahanan nang paulanan ng bala ng 6 na kalalakihan ang mag-asawa na ikinasawi noong din sanhi ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi katawan.
Wala pa umano pahayag ang pamilya ng mga biktima hinggil sa posibleng motibo ng pananambang sa mag-asawa.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng naganap na pamamaril.
Naunang nagpahayag ng pagkabahala ang Council for Climate and Conflict Action Asia (CCCA) sanhi ng pagtaas ng bilang ng kaso ng pagpatay kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng plebisito sa Bangsamoto Parliament Bill 223 na naglalayo hatiin ang Municipality sa dalawang bayan sa darating na Sept. 7,2024 at pagdaraos ng kauna-unahang Bangsamoro Parliament election sa May 2025.(Mark Obleada)