Advertisers

Advertisers

ISA PANG BGY. CHAIRMAN PATAY SA AMBUSH!

0 7

Advertisers

Isa na namang barangay chairman sa Central Mindanao ang napatay sa pamamaril, isang araw lang makalipas ang pagkamatay sa pag-ambush ng mga hindi na tukoy na mga salarin sa isa pa at ng misis nito.

Kinilala ang biktima na si Amado Serra, Jr, 62 anyos, barangay chairman ng Laguilayan sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa ulat, naganap ang pananambang kay Serra sa Region 12, nitong Lunes ng hapon, August 19, 2024.

Sa mga inisyal na ulat nitong Martes ng Police Regional Office-12 at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, minamaneho ni Serra ang kanyang kotse patungo sa kung saan nang paputukan, habang nasa isang bahagi ng kalye sa Purok 7 sa Barangay Laguilayan, ng mga lalaking sakay ng mga motorsiklo na nakabuntot sa kanya.

Patay on the spot si Serra sanhi ng naturang pananambang ng mga armadong motorista na agad namang nakatakas.

Unang napatay sa ambush noong  Linggo ng gabi, August 18, 2024, si Esmael Latip Mustapha, chairman ng Barangay Bulibod sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, sakop ng Bangsamoro region, at ang kanyang misis na si Rahima.

Naglalakad sina Mustapha at ang kanyang kabiyak sa isang kalye sa Barangay Bulibod ng pagbabarilin ng assault rifles ng mga lalaking inaalam pa ng mga imbestigador ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region kung sino upang masampahan ng kaukulang mga kaso.