Advertisers

Advertisers

2,500 job vacancies alok ng ‘Kalinga sa Maynila Job Fair sa mga jobless

0 24

Advertisers

HALOS 2,500 job vacancies ang alok ng Manila city government sa jobless Manilans sa isinagawang ‘KALINGA SA MAYNILA PESO JOB FAIR’ sa Pandacan nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna ang opurtunidad na magkaroon ng trabaho ay para sa mga high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.

Ang nasabing job fair ayon pa kay Lacuna ay pinangunahan ng Public Employment Service Office – City of Manila sa ilalim ni Fernan Bermejo, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) – National Capital Region at DOLE NCR Manila Field Office.



Binati naman ng lady mayor ang mga aplikanteng hired on the spot.

Nabatid sa alkalde na ang city government ay patuloy sa pagsasagawa ng mga job fairs sa bawat ‘Kalinga sa Maynila’ na ginagawa sa iba’t-ibang barangays tuwing Miyerkules.



Pinapayuhan ang lahat ng mga aplikante na magsuot ng casual attire; magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpens at sundin ang standard health protocols.

Sa tuwing mayroong ‘Kalinga sa Maynila,’ dinadala ni Lacuna ang mga heads ng iba’t-ibang offices, bureaus at departments na karaniwang hinihingan ng tulong ng mga pumupunta sa City Hall.



Sa ganitong paraan, ang mga residente ay nakakatipid ng pera, oras at pagod kapag sila ay pupunta na lang sa ‘Kalinga’ na nagtutungo sa mga barangay.

Sa tuwing may ‘Kalinga’, ang mga inaalok na serbisyo ay : medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle/parking registration, PWD, solo parent and senior citizen IDs, clearing/flushing operations, water/electricity/building permit inquiries, notary services, police clearance at marami pang iba.

Ang mga pinuno ng bawat tanggapan sa Manila City Hall ay naroon din sa ‘Kalinga’ na direktang sasagot sa kanilang mga katanungan at tutugon din sa kanilang mga kahilingang tulong: MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau;Department of Public Services-Manila;Department of Engineering and Public Works, Manila;Manila Police District;Manila Barangay Bureau; Manila Civil Registry Office; City Legal Office, Manila; Manila Health Department Manila Department of Social Welfare; Public Employment Service Office – City of Manila; Manila OSCA; Manila Veterinary Inspection Board at City Treasurer’s Office Manila.

Sa labas ng venue ng ‘Kalinga’, ay mayroon ding mga stalls na itinayo para kumatawan sa iba’t-ibang departmento na maaaring mahingan ng tulong. (ANDI GARCIA)