Advertisers
BUMABANDERA ngayon sa larangan ng horseracing ang HENERAL KALENTONG ng Mandaluyong City mula sa nagdaang pagsikwat ngalaga ni former Mayor/Professor/Atty. BENJAMIN C. ABALOS, JR. ng 2020Philippine Racing Commission (Philracom) 3rd Leg Triple Crown StakeRace sa Metro Turf, Malvar, Tanauan City, Batangas.
Maitatala sa history ng karera ang sweep record ngHENERAL KALENTONG bilang isa sa mga pambihirang kabayong nakawalis ngTriple Crown series, sa naitawid nitong 2.06. 2 min sa 2,000 meterrace na may premyong Php1.8 M. Hindi binigo ng pambatong kabayo angfollowers sa Facebook page ng karera at ang mga Mandalenyo.
Ang HENERAL KALENTONG na ipinangalan sa pambatongracehorse ay adaptation ng magiting na si GENERAL VICENTE LEYVA mulasa kasaysayan ng Mandaluyong. Si KALENTONG ay nakilala mula sa kanyangpalayaw na Enteng/Entong na nabuo bilang KALENTONG sa codename kasamaang apelyido niyang LEYVA, isang matapang at matapat na lider-Katipunero na naging katuwang ni Gat ANDRES BONIFACIO nghimagsikang Pilipino laban sa mga Kastila (halaw mula sa isangisinusulat na aklat ng inyong lingkod at sa sinaliksik na kasaysayan ng lungsod).
Sa naunang mga alaga ni ABALOS, kabilang sina IBARRA atHAGDANG BATO na gumawa rin ng pangalan sa karera, tatak-Horseowner ofthe Year na ang nagmamay-ari kay HENERAL KALENTONG at inaabangan ngmga tagasunod sa Bayang Karerista na muling hirangin bilang mahusay na horseowner ng taon. KUDOS!
PARKS, ABUEVA, PURO NA SA PBA BUBBLE SEASON AWARDS
SA mga ulat, namumuro si TNT Tropang GIGA star RAY PARKS,JR. sa tsansa para mahablot ang titulong MOST VALUABLE PLAYER ngayong45th PBA Season. Nakadepende pa sa PBA Board kung may award-givingpara sa special season na isang conference lang thru PBA Bubble amidpandemic period.
Leading sa statistics si PARKS sa average na 38.3 pts., 8.1rebounds, 3.1 assists, at 1.3 steals. On the other hand, pasok siCALVIN ‘The Beast” ABUEVA ng PHOENIX sa 37.1 stat pts.,11.3 rebs., 5.2assts., at 1.7 stls. Naabot pala ni CALVIN ang required total games nanilaro para makasali sa season awards, sa kanyang 12 from 17 games ngteam, kaya pasok sa 70% ng total games nila as required. Yun lang,laglag sa semis ang PHOENIX kaya hanggang doon lang ang panlaban ni The Beast.
Ang iba pang nasa top 5 ay sina CJ PEREZ 35.7 pts., (TERRAFIRMA), MATTHEW WRIGHT 35.6 (PHOENIX), at CHRISTIAN STANDHARDINGER34.6, (GLOBAL PORT) pero laglag ang teams.
Sa crowd favorite BARANGAY GINEBRA KINGS, obvious napaiba-iba ang leading at Best Player of the Game ng koponan, behindnga ba ang stats nila? Well, matagal-tagal pa ang Best of Seven seriesng TNT at GINS, may tatapat kaya sa stats ni PARKS? ABANGAN! HAPPY READING!