Advertisers
Magaganda at matitibay na tulay bukod pa ang pantay at walang lubak na mga kalsada isama na rin natin ang mga school buildings na proyekto ng Department of Education (DepEd) na ipinamahala sa Department of Public Works and Highway (DPWH) sa paggawa upang tiyakin ang kalidad nito.
Bago pa man nagdesisyon na lisanin ni Vice President, VP Sara Duterte na siyang dating Kalihim ng DepEd ay nagkaroon ng magandang usapan ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa ang Pangulong BBM at VP Duterte para sa de-kalidad na edukasyon siyempre kasama na riyan ang mga silid aralan, sino ba naman ang sisipaging mag-aral kung puro tulo at wasak wasak na class room di po ba mga Ka Usapang HAUZ?
Tutal napag-usapan na rin lang ang mga naiwang plano ni VP Sara para sa de-kalidad na edukasyon ay titiyakin naman ng bagong DepEd Secretary Edgardo Angara na ipagpatuloy at baka higitan pa dahil alam naman ng buong sambayanan ang puso’t isip ng dating Senador ay nakapako sa edukasyon.
Sa mga usaping proyekto ng DPWH huwag na po tayong lumayo mga Ka Usapang HAUZ sa Lalawigan ng Rizal partikular sa 2nd District kabi kabila ang finished at ongoing projects na pinamumunuan ni District Engineer DE Wilfredo Racelis.
Nais lang nating ipaalam mga Ka Usapang HAUZ na ang buhay pala ng isang proyekto ay nasa kamay pala ng Planning and Design Section ng departamento kaya bago maitayo ang mga gusali, tulay at iba pa.
Kaya sa DPWH-Rizal 2nd District Engineering Office (DEO) ay hawak ni Engr. Vangie Lapitan ang sensitibong posisyon ang Planning and Design Section na siyang nagbibigay buhay sa ikagaganda at mga de-kalidad na mga proyekto maski gusto ng mga opisyales sa kanilang design hindi maaari at baka mabinbin pa ang proyekto.
Ayon kay Engr. Lapitan bago nila simulan ang isang proyekto ay dadaan muna sa masusing talakayan mga suggestions at hindi maaaring pwede na yan dahil kapag pumalpak ang sisi ay ang kanyang hinahawakang pwesto ang pagiging chief ng Planning and Design.
Maging ang hepe ng Construction Section na si Engr. Benjie Amansec at Quality Control Chief Engr. Luz Villones ay saludo sa kakayahan ni Engr. Lapitan partikular sa projects planning kaya naman ang halos lahat o lahat ng finished at ongoing projects ay garantisadong de-kalidad kaya naman napasuwerte ng Lalawigan ng Rizal at mayroong mga mahuhusay na ehinyero ang DPWH.
Teka nga pala muntik ko ng makalimutan ang matagal ng problema dyan sa Bayan ng Panique Lalawigan ng Tarlac ang mga school rooms mula Elementarya at High School, tila kulungan ng baboy at hindi silid aralan kaya sino ang sisipagin sa pagaaral kung ganyan, nasa poder ng DepEd ang kasagutan sa problema naghihintay lang ang DPWH sa paggawa, alam ng Usapang HAUZ na sobra kang abala Sec. Angara baka naman po, nakikiusap ang mga magulang at mag-aaral ng Panique.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag txt or tumawag sa 09352916036