Giyera na ang gusto nila! CCG 5 BESES BINANGGA BARKO NG PINAS, SABAY-SABAY BINOMBA NG TUBIG NG 3 PANG CHINESE VESSELS!
Advertisers
PINAGBABANGGA at pinalibutan ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) vessels ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Linggo, August 25.
Simula 10:30 ng umaga, hinarang na umano ng mga Tsino ang Philippine vessel na nasa 10 nautical miles malapit sa Sabina shoal.
Hanggang alas-2 ng hapon, nang gitgitin at pagbabanggain ng CCG ng higit limang beses ang BRP Datu Sanday.
Pinalibutan ng CCG 3104, 4102, 21555, 21551 at ilang militia vessels ang BRP Datu Sanday at sabay-sabay na inatake ng water cannon na tinatarget ang navigational equipment ng Ph vessel ng BFAR.
Matatandaan na ang CCG 21551 rin ang bumangga sa BRP Bagacay na naging dahilan ng malaking butas sa barko noong Lunes ng madaling araw. Ito rin ang unang bumangga sa BRP Datu Sanday nitong Linggo.