Mas matipid na byahe para sa milyong Pinoy motorcycle riders sa pamamagitan ng libo-libong charging station sa bansa, target maipatupad ng DTI katuwang ang EV brand na VINFAST; July 18, deadline naman para sa pre order ng mga compatible e motorcycles!
Advertisers
Sinuportahan ng Department of Trade and Industry ang pagpapalawak ng charging at battery-swapping stations ng Vietnamese electric vehicle company na VinFast sa Pilipinas.
Ito ay matapos makipagpulong ang DTI sa mga opisyal ng VinFast para talakayin ang expansion plans at regulatory framework para sa EV charging at battery-swapping stations.

Kasabay nito, bukas naman hanggang Hulyo a-disiotso ang pre-order para sa VinFast e-motorcycle lineup na Evo, Feliz II at Viper.
Ang mga nasabing e motorcycles ang siyang compatible sa target na 30,000 battery swapping/charging stations sa bansa kung saan mas mapadali ang paggamit ng electric motorcycles ng mga milyong milyong riders.
Nagsisimula sa 64,400 piso ang presyo ng mga modelo, na may 3,000 pisong downpayment at anim na taong warranty.
Maaari nang mag-pre-order ang mga interesadong buyer sa mga opisyal na VinFast showroom at online.

