Advertisers

Advertisers

Duterte ‘protektor’ ni Quiboloy; biktima ng human trafficking na-rescue sa KOJC

0 22

Advertisers

ANG nangyaring operasyon ng mga miyembro ng Philippine Naitonal Police (PNP) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davo City para isilbi ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy ay mariing kindonena nina dating pangulo Rodrigo Duterte at ni Bise Presidente Sara Duterte-Carpio dahil sa diumano’y paggamit ng “excessive force”.

Mahigit 2,000 miyembro ng PNP ang inataasan para hanapin si Quiboloy sa loob ng 30 ektaryang compound na mayroong 50 istraktura na maaring pagtaguan ng puganteng self proclaimed “Appointed son of God”.

Ayon sa hepe ng PNP operating team, maraming “secret doors” silang nakita sa loob ng mga building at meron pang “tunnel” sa ilalim.



Ang arrest warrant ay para sa mga kasong ‘rape’ at ‘human trafficking’ na isinampa laban kay Quiboloy ng kanyang mga dating miyembro na nakaranas ng mga pang-aabuso sa kamay ng pastor.

Totoong may ilang miyembro ng KOJC ang nasaktan at may namatay dahil sa atake sa puso. Ito ang ginamit ng mag-amang Duterte at mga abogado ni Quiboloy na dahilan para manawagan na itigil na ang paghalughog ng mga pulis sa lugar.



Pero ang pagkondena ng mga Duterte ay nag “backfire” sa kanila dahil sa gitna ng nasabing operasyon ng pulisya, dalawang biktima ng human trafficking ang naisalba ng mga tauhan ng Children Protection Desk ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11.

Ayon kay PNP Regional Office (PRO) 11 spokesperson Major Catherine dela Rey, ang mga biktima ay isang 21-anyos na lalaki mula sa Samar at isang babae na taga-Midsayap, Cotabato. Sila ay na-rescue matapos humingi ng tulong ang kaanak ng mga biktima sa pulis.



Ayon pa sa tagapagsalita ng PRO 11, matagal nang gustong umalis ng mga biktima sa KOJC compund pero binabantayan diumano ang mga ito na huwag makalabas.

Kahit sa international community, legal community at sa sambayanang Pilipino marami ang nagsasabi na bawing-bawi ang ating mga pulis sa matinding pagtuligsa sa kanila ng mga Duterte matapos nilang ma-rescue ang dalawang biktima ng human trafficking.

Sa ganang akin, nararapat parangalan ang mga pulis. Dahil sa kanila, nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang dalawang biktima. Mga bayani silang maituturing.

Ang pangyayari ay isang patunay din na may bahid ng katotohanan ang akusasyon kay Quiboloy na isa itong human trafficker, at si ex-president Duterte at pamilya nito ang kanyang protektor. Mismo!

Ang pagiging malapit ni Quiboloy kay dating pangulong Duterte ay maliwanag pa sa sikat ng araw. Sa ilalim ng dating administrasyong Duterte, “untouchabe” si Quiboloy.

Sa tulong ni Duterte, na matagal ding nanilbihan bilang mayor at vice mayor ng Davao City, lumawak ang lupain ng KOJC sa Davao sa pamamagitan diumano ng “land grabbing”.

Noong 2016 presidential election, ibinigay din ni Quiboloy ang kanyang buong suporta sa Duterte, kabilang na rito ang kanyang mga pribadong eroplano at helicopter sa pangangampanya ni Duterte.

Nang maisyuhan ng arrest warrant si Quiboloy ng Davao City RTC, ginawa niyang administrator ng kanyang mga ari-arian si Digong.

Kaso nangibabaw parin ang batas. Pina-freeze ng Court of Appeal ang mga ari-arian ng Quiboloy.

Ang mga kaso ni Quiboloy ay nangyari noong termino pa ni Duterte.

May arrest warrant din siya sa parehas ng kaso sa Amerika.

Kung walang sala si Quiboloy, dapat harapin niya sa korte ang mga reklamo laban sa kanya. Period!