Advertisers

Advertisers

MULTI-MILLION PAYOLA AT ELECTION FUND, POLICE AT LOCAL OFFICIAL SA PAYOLA NG VIOLAGO GROUP IPINASISILIP!

0 1,710

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

HINIKAYAT ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na maging matigas ang paninindigan laban sa mga tiwaling opisyales sa hanay ng pulisya at mga halal ng bayan na nagsisilbing protektor ng smugglers at magnanakaw ng petroleum products, na kilala sa taguring paihi/ buriki na isa sa pangunahing rason kung kaya’t nawawalan ng bilyones na buwis ang pamahalaan.
Ayon sa MKKB, ang kabaitan at pagiging malambot ni PBBM sa mga usapin ukol sa talamak na smuggling at pilferage activities ay dahilan upang ang kanyang mga itinalagang opisyal ng pa-mahalaan ay hindi gawin ng maayos ang kanilang trabaho.
Panahon na upang ipasilip ng Pangulo ang PNP, NBI at iba pang awtoridad pati local government units na protector ng naturang mga sindikato. Marami sa mga ito ang na-kikipagkutsabahan sa kontrabandista at paihi financier kapalit ng suporta sa kanilang milyones na election fund.

Ipinahayag din ng MKKB ang kanilang sentimyento sa napau-lat na ‘di pagtalima o pagsuway ng hepe ng pulisya ng Lucena City sa atas ni City Mayor Mark Don Victor Alcala na aksyunan ang ilang grupo ng sindikatong paihi o buriki na nag-o-operate sa kanilang hurisdiksyon, ngunit sa halip na arestuhin ang mga operator, lansagin ang kuta ng mga ito ay patagong kinausap lamang ang mga ilegalista.



Matapos ang pag-uusap ng mga operatiba ni Lucena City Police chief LtCol. Dennis De Guzman at ng buriki operator na sina Bong na nagkukuta sa likuran ng Roadside In sa Brgy. Isabang;Troy na may paihian sa malawak na ta-niman ng palay sa Brgy. Salinas, kapwa sa Lucena City, ay pinabayaan na lamang ng mga pulis na ipagpapatuloy ng mga ito sa kanilang pagpapanakaw ng mil-yon-milyong halaga ng CNO, edible, cooking oil at petroleum products.

Tanging ang pwesto ng isang alyas Amigo ang kunyari’y ina-ksyunan ng mga pulis at ipinagiba ang kuta nito sa kahabaan ng Ecotourism Road, Brgy. Ibabang Talim ng naturan ding lungsod. Ang naturang nababakurang kuta ay nakunan pa ng litrato ng Police Files Tonite photog.



Ang nakadidismaya, ayon sa MKKB, hindi kinasuhan sina Bong, Troy at Amigo na pawang dummy operators sa mga paihian sa Lucena City ng sindikatong Violago na nakabase sa Bulacan at Bataan na may sangkaterbang kuta sa halos bawat probinsya ng Region 3, Metro Manila at Region 4A o CALABARZON.

Ang paihi/buriki operations nina Amigo, Bong at Troy sa Lucena City ay pawang kinaka-pitalan ng tatlong lider ng sindikatong Violago na kinabibilangan nina alyas Goto, Bogs at Cholo. Bagama’t sina Bong at Troy ay kumalas sa sindikato ay nanati-ling nagkukuta ang mga ito sa mga Brgy. Isabang at Salinas na hindi naman tinitinag nina LtCol. De Guzman at ni Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte.



Si Amigo ay nanatili namang “tuta” sa smuggling, pilferage at illegal drug operation ng sindikatong Violago.

Duda ang MKKB na baka drama lamang o moro-moro ang “paihi stop order” kamakailan ni Mayor Alcala kay LtCol. De Guzman at sa kanyang mga ope-ratiba.

May isa pang kuta ng burikian ang sindikatong Violago na ino-operate ng katiwala ng mga itong sina Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis, Guinyangan. Sapul nang maupo sa kanilang mga pwesto sina Quezon Governor Angelina “Helen” Tan at PD Col. Monte ay hindi ito naaksyunan.

Bukod sa mga kuta sa Lucena City at Guinyangan, Quezon Province may paihia/burikian din ang sindikatong Violago na gamit ding imbakan ng droga lalo na ng shabu at ‘di lisensyadong matataas na kalibre ng baril sa Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite na pinopostehan ng isang alyas Amang.

Kahit deka-dekada nang nagkukuta doon sina Violago at Amang ay ‘di ito tinitinag ng pulisya ng Carmona City sa suspetsang may malaking “payola” ito sa ilang opisyal ng pulisya, NBI at maging sa lokal na opisyales na tinutustusan ng sindikato ng milyones kada eleksyon.

May paihian din ang Violago Group sa may harapan ng main gate ng Batangas City Pier sa Brgy. Sta. Clara na ino-operate ng isang Duterte Die Hard Supporter (DDS) na PNP Colonel at Sgt. Buloy. Ang mga ito din ang nagpapatakbo ng ilegal na operasyon ng colorum van at terminal sa Batangas City Pier.

Sa Region 3, may paihian din ang Violago group na may proteksyon ng ilang top ranking PNP officials. Ang mga ito ay sina Albert, Rose, Cabiling at Lito sa bayan ng Hermosa; Bogs at Pedro sa Limay; Juvy, Suya at Blade sa Mariveles; Ben at Imelda sa Abucay; Kap Velasco sa Limay at Brgy. Mabato sa Orion.

Ni-raid na ng mga NBI agent ang pinagkukutaan nina Juvy, Suya at Blade sa Mariveles, ngunit kaduda-dudang muling nakapag-operate ang mga ito.

Isang alyas Oscar ang lingguhan kumokolekta ng P3 million na intelhencia para sa tanggapan ng ilang PNP officials sa Camp Crame, PNP Region 3, NBI Headquarter, NBI District Office, Port official tulad ng Coast Guard, Customs, PNP Maricom at PPA sa operasyon ng smuggling, paihi na front din ng drug trade ng sindikatong Violago sa Bataan, na nire-remit sa isang alyas Maklang at Wano. Walang aksyon laban sa mga ito sina PNP Region 3 Director BGen. Jose Hidalgo Jr., at Bataan PNP Provincial Director Col. Palmer Z. Tria.

Tinukoy din ng MKKB ang mga kuta ng sindikatong Violago sa iba’t ibang lugar sa mga bayan ng Meycauyan, Plaridel at Bustos na may milyones na payola ding kinokolekta ng isang alyas Ricky, at lingguhang isinusulit sa isang Camp Crame based lady colonel na malapit kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.