Advertisers

Advertisers

P7m halaga ng isda sa resort ninakaw, pinulutan ng mga staff

0 2

Advertisers

PITONG milyong pisong halaga ng isda ang naging pulutan nang nakawin at katayin ng tatlong kalalakihan sa isang resort sa Barangay Bantigue sa Pagbilas, Quezon.
Ang isdang Arapaima na may habang 6.7 talampakan, may timbang na 90 kilos at 25 taon nang alaga ng isang resort ay ninakaw noong nakaraang Lunes.
Nasa kostudya na ng pulisya ang tatlong trabahador ng resort nang i-report ng nakasaksi sa foreman at security guard ng resort ang pangyayari.
Batay sa mga ulat, ninakaw ng tatlong resort staff ang isda mula sa palaisdaan ng Costa Solano Resort and Leisure Park.
Dinala ang isda sa isang bahay sa loob mismo ng bakuran ng resort, kinatay para kainin at pulutanin.