Advertisers

Advertisers

10 PATAY SA LANDSLIDE SA SARANGANI

0 1

Advertisers

NASAWI ang sampu katao at tatlo ang nawawala sa pagguho ng lupa sa Malapatan, Sarangani Province nitong Biyernes, July 10, 2026.
Kinilala ang mga nasawi na sina Alejandro Maladian, Gina Maladian, Jordan Ma-ladian, Wiljay Maladian, Nitoy Maladian, Ricky Dawang Yaton, Bon Bon Cawari, Thirdy; Prince, at Joseph.
Ayon sa inisyal na ulat ng municipal information office, 3:00 ng madaling-araw nangyari ang landslide sa Sitio Pandao, Brgy. Pob-lacion.
Naitakbo pa sa ospital si Ricky Yaton sa pamamagitan ng mano-manong pagbuhat ng kanyang mga kapamilya, na ang idinadaan sa pababa ng masukal at matarik na lugar upang makarating sa mga emergency responder, pero namatay din pagdating sa ospital.
Natabunan ang isang bahay kungsaan nakatira ang dalawang pamilya.
Patuloy ang search operations sa lugar upang hanapin ang iba pang nawawala.
Nakaranas ng malalakas na pag-ulan ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng bagying Inday.
Pinaniniwalaan ng mga opisyal na ang malawakang bitak ng mga lupa sa area, dahil sa nagdaang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa rehiyon noong Hunyo 8, ang dahilan ng pagguho, bunsod sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
Mabilis namang nailikas ang 115 pamilya mula sa da-lawang kalapit na barangay matapos ang matinding pagbaha.
Kasalukuyang tumatanggap ng tulong ang mga pamilyang ito sa mga itinalagang evacuation center ng bayan.