Advertisers

Advertisers

PAIHI TALAMAK SA NAVOTAS AT BATAAN

0 67

Advertisers

PATULOY na namamayagpag ang opera­syon ng oil smuggling o “paihi” sa karagatan na sakop ng San Roque malapit sa San Roque Shipyard ng Navotas City na diumanoy protektado ng ilang tiwaling opisyal ng Costom, Maritime PNP, Philippine Coast Guard, Navotas Port Police, CIDG at NBI na binibili sa mababang halaga ng mga sindikato sa mga kapitan ng barko na naka daong sa karagatan ng Navotas.

Isang alyas Don Rabonza at Manny ang itinuturong nasa likod ng oil smuggling kasabwat ang mga kapitan ng barko na nagpa-paihi sa laot ng dagat na ang imbakan ng mga nasipsip na langis ay halos nasa tabi lamang ng San Roque Shipyard.

Ayon sa source, minsan na umanong nasakote ng NBI-NCR ang grupo ni alyas Manny at Don Rabonza pero umareglo ang mga sindikato sa hindi mabatid na halaga.



Sinabi ng impormante na may nagaganap din na bentahan ng shabu sa laot habang isinasagawa ang Paihi ng langis na kapag nagdikit na umano ang mga Barge na puno ng laman ng langis at Barge na walang laman na langis ay hudyat ng isinasalin ang mga tone-toneladang nasipsip na langis.

Samantala balik operation na umano ang Violago Syndicate Group sa oil smuggling sa lalawigan ng Bataan na pansamantalang itinigil matapos imbestigahan ng Senado ang 3 barko na lumubog sa Bataan sa kasagsagan ng bagyong carina na diumanoy konektado sa paihi.



Umaranggakada na uli ang ‘multi-million pisong’ PAIHI sa lalawigan ni Bataan Gevernor Jose Enrique “Joet” Garcia.

Ayon sa impormasyon, hindi umano biro ang operasyon ng paihi ng pinaka matibay na sindikatong ‘Violago Syndicate Group” dahil daang milyong piso umano ang kinikita nito bukod pa umano ang salaping ibi­nibigay sa mga patong sa gobyerno ng grupong nagnanakaw ng white product tulad ng gasolina, liquified petrolium gas at krudo.



Ang operasyon umano ng oil products ay ninanakaw mula sa mga barge kasabwat ang ilang kapitan ng barko saka sisipsipin ng delivery bunker para isasalin sa mga oil tanker na naghihintay ng mga nakaw na langis.

Sinabi ng impormante, isang alyas Mike ‘baygon’ na sinasabing NBI agent ang siyang kasabwat ng Violago Syndicate Group sa ilang bayan sa lalawigan ng Bataan dahil sa salaping nakukuha nila sa pagnanakaw.

Dagdag pa niya na ang Violago Syndicate Group ang may hawak ng paihi nina alyas Pedro at Velasco Jr, sa Barangay Alangan Limay Bataan, alyas Norma A. ng Barangay Puting Buhangin Orion, Bataan. alyas Bogs at Kapitan Goto naman ang kumakamada umano nang paihi sa Barangay Toyo, Limay, alyas Ben Abucay at Imelda sa Barangay Mandama Litong, Hermosa, alyas Lito, Rex Cabiling, Rose, Romy, Chairman Velasco, Bogs, Norma, Kapitan Goto, Alex Chua, Jong Mangudadato, Cholo, Pedro, Juvy, Suya sa Limay, Orion, Hermosa at Mariveles, Bataan ng walang gumagambala

Aniya pa mahirap umanong masawata dahil marami ang nakapatong na mga matataas na opisyal mula sa NBI, PNP CIDG, COSTOM at PCG.

Dagdag pa ng mga impormante, minsan ng nasakote ng NBI-NCR ang ilang nagpapaihi sa bataan pero natatawa lang ang mga bigtime na paihi syndicate dahil mga utusan lamang daw nila ang nadakip.

Kamusta na kaya ang ginawang pag-iimbestiga ni Senador Raffy Tulfo sa Senado noong nakaraang taon kaugnay ang oil smuggling?

Sa susunod na isyu talakayin naman natin ang paihi nina alyas Gener at Eric sa Barangay Lalig Tiaong Quezon na isa sa mga pinangangambahan ng mga residente na baka sumiklab ang sunog dahil sa imabakan umano ito ng mga nakaw na langis.

Tutukan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.