Advertisers
ANG Muntinlupa City LGU ay nag-aanyaya sa mga residente nito na makiisa sa gaganaping Mega Job Fair sa darating na Biyernes, Agosto 30,2024 sa SM Center Muntinlupa, Barangay Tunasan, para sa panibagong oportunidad para kumita!
Ang naturang aktibidad para sa Muntilupeño ay upang bigyan sila nang panibagong oportunidad na kumita at sa tulong ng programa na may titulong “Trabaho para sa Muntinlupeño’” ay magsisimula ito alas-8 ng umaga hanggang alas-4ng hapon.
Ayon sa Muntinlupa LGU, ang inaabangang Mega Jobs Fair ay para sa mga Muntinlupeño at isa lamang ito sa mga proyekto ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), alinsunod narin sa 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon sa ilalim ng “Kabuhayan.”
Para sa mga katanungan, tumawag sa 8840-2445 o mag-email sa peso.muntinlupa@live.com.
Para naman sa paraan ng pag aapply, maaraing bumisita sa fb page na city government of muntinlupa para makapag-parehistro.
Pinaalalahanan ng LGU ang mga aplikante na siguraduhing magdala ng mahigit sa sampung resume at magpakita ng kahit anong valid IDs at screenshot na nakapag register sa link na makikita sa kanilang fb page. (JOJO SADIWA)