Advertisers

Advertisers

NU BULLDOGS AT LBP 2

0 6

Advertisers

MASUSUBUKAN ang mga bagong recruits na Bulldogs sa muling paglahok ng National University sa second conference ng Liga Baseball Philippines ( LBP) na papalo sa darating na Nobyembre ng taon.

Ayon kay Bulldogs head coach, misyon ng konan na makabalikwas sa LBP na umabot sa semis noong nakaraang Tingzon Cup.

Ang UAAP last season baseball champion NU na magdedepensa ng titulo sa next season ay nagsagawa ng recruitment partikular sa Palarong Pambansa at iba pang mga liga sa lalawigan.



“ Hopefully mas lumakas pa ang team dahil sa mga new recruits na nakuha namin,” wika ni Landicho.

Ang LBP ay inorganisa nina Chairman Wopsy Zamora, President Pepe Munoz at Executive Director Boy Tingzon.



“ Matagumpay ang ating maiden conference kaya masusundan agad ito at ang magandang balita ay madadagdagan ang koponang kalahok mula sa orihinal na 8 teams “, pahayag ni businessman/ sportsman Zamora.

Ang Itakura Parts Philippines Corporation( IPPC) ni Japanese national Philippine-based Kunifumi Itakura.



Nasa tamang direksyon ang LBP that started in the right footing kaya expect na natin ang pagbabalik ng baseball fans sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila… A SWING AND A HIT!..Abangan!

Lowcut: Special shoutout kay basketball enthusiast / patron Ar Jayzee G. Celestial ng JC2 Slashers.Si team owner Celestial ang isa sa dahilan sa patuloy na pagsulong ng basketball grassroot program sa bansa na nagko – contribute ng mga potential na talents sa bigtime basketball tulad ng PBA at Gilas. Saludo kay Arkitekto!