Advertisers
Ipinag-utos ng Davao City Regional Trial Court Branch 15 sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang paglayas sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa naturang lungsod.
Batay sa tatlong pahinang kautusan na nilagdaan ni Judge Mario Duaves, pinatitigil ng korte ang mga aktibidad ng pulisya sa lugar.
Pinaaalis din sa PNP ang mga barriers na nasa entry points ng compound.
Ang kautusan ay inilabas kasunod ng hiling na “temporary protection order” ng kampo ni Quiboloy dahil sa matagal na pananatili ng mga tauhan ng pamahalaan sa kanilang lugar na sambahan.
Tila wala na sa ” hulog” ang aksyon ng liderato ng PNP at ang naiipit dito ay ang mga maliliit na kapulisan na napipilitang sumunod sa baluktot at pilipit na orders ng kanilang mga superior officers.
At ang mga mamamayan na nakakabatid ng hangganan ng kapangyarihan ng PNP sa ilalim ng batas ay nagbabahala na sa lantaran at patuloy na paglabag ng kapulisan sa karapatang pantao.
Ang kautusan ng Davao RTC Branch 15 na LUMAYAS sa sapilitang inokopang KOJC compound ang PNP ay direktang sampal sa pagmumukha ng mga namumuno dito sa pangunguna ni PNP chief,General Rommel Francisco Marbil, PNP Region 11 Director, Gen.Nicolas Torre III at ang inutil na DILG Sec.Benhur Abalos na naturingan pang isang abogado.
Imposible kasing di alam ni Abalos na may mga batas sa karapatang pantao ang nalabag sa aksyong isinagawa ng PNP laban sa mga miyembro ng KOJC na karamihan ay mga babae at matatanda sa loob mismo ng isang pribadong compound.
Being a lawyer,napaka- istupido naman ni Abalos na hayaan na lamang ang mga nangyayari sa kabila ng very much aware siya sa kaganapang nangyayari on the grounds dahil nakikipag- usap ito kay General Marbil at Gen.Torre during and after the barbaric police operations sa KOJC compoun6d.
At totoo rin ba na, “Abalos was receiving verbal orders at that particular moment not from Marcos Jr.himself but from the First Lady Liza Araneta Marcos”?
Anong legal na karapatan ni Liza Marcos na magbigay ng orders kay Abalos at sa PNP?
Ano ang legal personality ng babaeng ito na manduhan sina Abalos at Marbil?
Private army na ba ng mga Marcoses, Sec.Abalos at PNP chief, General Marbil ang PNP?
Ang mga Marcoses na ba ang nagpapasahod sa mga kapulisan ngayon at hindi na ang taongbayan?
Sobrang pang- AABUSO na sa kapangyarihan ang ginagawa nyo!
BINABABOY nyo na ang batas at ang mga Pilipinong nagkamaling iboto ang gago n’yong amo!
Matakot kayo sa karna kung sadyang wala kayong takot at respeto sa batas.
” What goes around,comes around!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com