Advertisers

Advertisers

SARA BILANG PAMALIT KAY BBM

0 48

Advertisers

MAY isang nilalang na mukhang nawala sa katinuan ng pag-iisip ang humingi ng pagbibitiw ni BBM sa tungkulin. Gustong niya na mag bitiw si BBM sa lalong pinamakamadaling panahon. Wala nang usapan – basta magbitiw. Lumabas ang panawagan sa online isyu ng SMNI, isang estasyon ng telebisyon na isinara dahil sa pagdadala ng maling balita.

Hindi na namin babanggitin ang pangalan ng humiling ng pagbibitiw ni BBM. Hindi namin nais na pasikatin siya. Iginagalang namin ang karapatan ng sinuman sa mundong ibabaw na ihayag ang saloobin. Ginagarantiyahan ng Saligang Batas ang karapatan na magpahayag ng opinyon – mali o tama.

Pero ang tanong: Sino ang papalit? Si Sara Duterte na hindi maayos ang pag-iisip. Ang mistulang huramentada na lahat ay inaway at kaaway?



Huwag na lang. Maraming kulang sa kanyang pamumuno at totoong may pagkakamali, pero pagtitiyagaan namin si BBM. Huwag si Sara dahil kapag siya ang pumalit kay BBM, magdudusa ang bayan. Walang alam ang malditang anak ni Gongdi.

Hayaan natin na tapusin ni BBM ang kanyang termino. Marami siyang nagagawang kabutihan. Pinakamaganda ang kanyang pagtalikod kay Gongdi.



Tumalikod siya sa madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi. Hindi siya pumayag na muling buhayin ang walang silbing programa ni Gongdi kontra droga na tanging ang mga mahihirap at walang lakas ang pinupuksa.

Hindi sinuportahan ni BBM ang pagkampi sa Tsina. Kabaligtaran ang kay BBM. Tinalikuran ni BBM ang Peking at muling kinilala ang Estados Unidos sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga probisyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ng dalawang bansa.



Isa pang dahilan kung bakit dapat suportahan si BBM. Hinayaan niya na gumulong ang proseso ng International Criminal Court at hindi niya binigyan ng proteksyon si Gongdi at kaalyado. Pinakamaganda ito dahil kailangan harapin ni Gongdi ang pananagutan sa pagkitil sa buhay ng hindi lalampas sa 30,000 pinatay dahil sa war on drugs.
***
NOONG kainitan ng standstill sa Davao City kung saan daan-daang pulis ang nagtipon sa harap ng Kingdom for Jesus Christ compound, nakita si Bato dela Rosa na nakabantay at naaktuhan na nagbibigay ng order sa mga pulis. Hindi na hepe ng PNP si Bato kaya may mga nakakita at nagtataka kung bakit nandoon si Bato.

Hindi binigyan ni Bato ng dignidad ang Senado. Hindi niya naipaliwanag kung bakit nandoon siya sa KoJC compound. Hindi naman daw siya usisero. Ang palusot, may plano siya na maglatag ng resolusyon na humihingi ng masusing imbestigasyon sa standstill sa KoJC compound. Hindi kami ipinanganak kahapon upang maniwala kay Bato.
***
MAY bagong kalatas si Sonny Trillanes. Sinabi niya sa kanyang social media account: “I believe it is time to impeach Sara Duterte as vice president. Sama-sama tayong manawagan sa ating mga mambabatas: IMPEACH SARA!!!”

Kasama kami sa mga naniniwala na tama si Trillanes sa kanyang panawagan. Pinakamagandang alisin sa kanyang puwesto si Sara. Pinakamaganda na gawin ito sa pinakamadaling panahon.
***
MALAPIT nang mabuo ang tiket ng administrasyon sa senador. May balita kami na nadagdag si Abby Binay, kasalukuyang alkalde ng Makati City, sa lineup. Siya ang papalit kay Nancy Binay na nakakadalawang termino sa 2025. May balita na maidagdag rin si Camille Villar, ang anak ni Cynthia na matatapos rin ang termino.

Nakabitin pa si Francis Tolentino. May mga ilang puwersa ang tumatanggi kay Francis dahil balita siyang dikit kay Gongdi hanggang sa huling sandali. Tinatanggihan si Francis dahil batid nilang oportunista siya. Mas pinapaboran si Kin. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte imbes na si Francis. Napalaki ng diperensiya. Mas magaling si Ace.

Hindi nakikutsaba sa poder si Ace kay Gongdi upang magtamasa ng biyaya sa poder. Mas minabuti niya na lumayo kay Gongdi. Hindi tulad ni Fracis na puro biyaya ang inabot kay Gongdi. Kaya mas maganda na si Ace ang piliin.

Samantala, nagkasundo ang Makabayan bloc na ilaban ang kanilang tiket na binubuo ng 10 lider na iba’t ibang sektor. May nalalabi pang 12. Maganda siguro na ampunin ang alinman kina Chel Diokno, Kiko Pangilinan, at Bam Aquno sa kanilang tiket.

Samantala, wala pang nabuong tiket ang PDP-Laban. Hindi sigurado kung ilalaban si Gonggdi, Baste, at Polong. Hindi pa rin alam kung tatakbo si Bong Go at bato dela Rosa. Pinakamaganda na magretiro na lang sila sa pulitika.

***

Email:bootsfra@yahoo.com