Advertisers

Advertisers

Barko nasusunog sa kasagsagan ng bagyong Engteng

0 14

Advertisers

Nasunog ang isang barko na nakaangkla sa Navotas Centennial Park sa kabila ng malakas na ulan dala ng bagyong Engteng nitong Lunes ng umaga.

Nasa 18 tripulante ng barko na M/V Camilla ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Hindi pa matukoy kung isa itong cargo vessel dahil sa lakas ng alon at ulan kasabay ng malakas na hangin.



Ayon kay Navotas Ma-yor John Rey Tiangco, pinaghahanap ng PCG ang isang crew member na naiulat na nawawala.

“May na-rescue na ‘yung barangay at ‘yung Coast Guard ngayon nandito naghahanap pa po kasi may reported pa na hindi nakikita, parang isa. ‘Yun ‘yung report, bine-verify pa natin,” ani Tiangco.



Sinabi pa ng alkalde na natanggap nila ang ulat na isang barko ang nasusunog malapit sa lungsod 10:00 na ng umaga.

Ilang barge din at oil tanker ang sumadsad sa Navotas Coastal Dike dahil sa malakas na hampas ng alon.



Nangangamba naman ang mga residente sa kanilang kalusugan dahil sa kapal ng usok na nagmumulat sa barko dahil patungo ito sa mga kabahayan na kanila namang nalalanghap.

Pasado 9:00 ng umaga nang magsimulang masunog ang barko.

Pahirapan naman sa pag-apula ng apoy ang Bureau of Fire at PCG dahil sa malakas na hangin at alon.

Hindi pa matukoy ang dahilan ng pagkasunog ng barko.(Jocelyn Domenden/Beth Samson)