Advertisers
PINANGUNAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pagdaraos ng ikalawang Joint Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC) CARAGA Full Council Meeting noong August 30, 2024 sa Butuan City.
Siguro ay nagtataka kayo bakit si Secretary Mina ang nagpulong sa mga regular members ng CARAGA JRTF-ELCAC, na kinabibilangan ng mga government officials, key representatives ng mga national line agencies, at mga miyembro ng civil society organizations.
Ito ay dahil si Secretary Pangandaman ay ang tinatawag na designated Cabinet Officer for Regional Development and Security o CORD ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na siyang naatasan mangasiwa ng peace and development efforts ng rehiyon na iyon.
Di lamang si Secretary Mina ang CORD, kung di ang lahat ng miyembro ng Gabinete ni Pangulong Marcos. Yan ay isang paraan para lalong mapaigting ang pagkakamit natin ng tunay na kapayapaan sa ating mga kanauyunan upang maging daan sa kaunlaran.
Balik tayo kay Secretary Pangandaman. Hinikayat nito ang lahat ng naka-meeting doon na ipagpatuloy di lamang ang ‘whole-of-government approach’, kung di pati na raw ang ‘whole-of-nation approach to develop strategic solutions that lead to lasting development.”
Ano ang ibig niyang sabihin dito? Mapalad nga raw ang mga taga-Caraga o’ di lamang sila kung di ang lahat na ng Filipino dahil mayroon tayong lider sa katauhan ni Pangulong Bong Bong Marcos na tanging hangarin ay kapayapaan sa para sa ‘Bagong Pilipinas.’
At dahil nga siya ay Budget Secretary sinabi ng kalihim na sa susunod na taon ang Asministrasyong Marcos ay naglaan P7.8 bikyong piso sa ilalim ng National Expenditure Program para pondohan ang Support to the Barangay Development Program ng NTF-ELCAC.
Ito raw ay gagamiting para sa mga farm-to-market roads, school buildings, water at sanitation systems, health stations, at electrification sa 780 ‘cleared barangays’ sa mga kanayunan.
Di ba’t pagpapakita at pagpapatotoo nga naman ito sa pangako ng administrasyon na patuloy na palakasin at bigyan ng kaukulang suporta ang ating mga komunidad na sakop ng programa, sabi pa ni Secretary Mina.
“Sa ganitong paraan, masisiguro po nating natutulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng access sa mga proyekto at serbisyong magpapabuti sa kalidad ng kanilang pamumuhay,” dagdag pa niya.
Kaya pagsama-sama talaga, maganda at malaki ang magagawa.