Advertisers

Advertisers

AYAW NA NG NEGROS

0 4

Advertisers

NANANAWAGAN na ang mga mamayan at opisyal ng Negros Occidental na maki-alam na ang Commission on Human Rights (CHR) na kumilos sa mga paglabag sa batas ng kakarampot na bilang ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF sa lugar.

Dangan kasi, nagsama-sama na ang lahat ng mga taga-Negros para mawala na ang gulo at mga nanggugulong CPP-NPA-NDF sa probinsya at magbigyang daan na ang katahimikan, kaayusan at kaunlaran.

Di ko sinasabing makupad itong CHR ha, o’ kaya’y nagbubulag-bulagan lamang sa mga karahasan at panglilinlang ng mga komunistang-terorista. Sabi nga ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga taga-Negros na ang gumawa ng paraan upang unti-unting humina ang puwersa ng CPP-NPA-NDF lalo na ang aramadong grupo nitong NPA.

So, ang next move na inaabangan ng mga Negrense ay ang patawan ng CHR ang mga ito ng paglabag sa karapatang pangtao sa mga taga-Negros.

Ang mga napaulat na enkwentro sa Toboso at Cauayan, Negros Occidental, ang maituturing na turning point ng sama-samang ugnayan laban sa panggugulo ng CPP-NPA-NDF sa probinsiya, at paghina ng puwersa nito.

Maaring patungkol na rin ito sa CHR na sumama at makialam na nang tuluyan nang mawala ang mga komunistang-terorista sa Negros. Dahil ayaw na talaga ng mga mamamayan doon ang mga aramadong NPA.

Totoo naman na ang pagrerebelde sa pamahalaan ay di makakapagpalaya sa kahirapan ng lugar, gaya ng ipinapangako ng CPP-NPA-NDF, bagkus ay inilulubog lalo ng mga ito ang bayan, at sinisira pa ang buhay ng mga kabataan.

Ang nangyaring mga enkwentro, ayon sa NTF-ELCAC ay patunay na wala ng simpataya o’ supporting nakukuha ang CPP-NPA-NDF sa mga taga-Negros.

Kaya ang panawagan natin sa CHR ay galaw galaw na, huwag padala sa mga propaganda ng CPP-NPA-NDF.