Advertisers

Advertisers

Llover vs Angeletti gaganapin sa Hunyo 6

0 5

Advertisers

ANG undefeated na si Kenneth “The Lover Boy” Llover mula sa General Trias, Cavite ay handa na ngayong labanan ang hindi pa natalong si Michael Angetti mula sa USA sa Hunyo 6 sa Aichi Sky Expo sa Tokoname, Japan.

“Ready to [go to] war on June 6,” Wika ng 23-year-old Llover, na nag sasanay sa Spartan Warehouse Gym sa Tagaytay City.

Lalabanan ni Llover [17-0-0, 12KOs] si Angetti [14-0-0, 8KOs] upang malaman kung sino ang magkakaroon ng pagkakataon na labanan si Jose Salas Reyes ng Mexico para sa titulong bantamweight ng International Boxing Federation.

“Pray for every weapon in anything that comes into your life,” Wika ni Llover.

“Nothing is impossible when you trust your Father, from being a cleaner to becoming a champion!” dagdag ni Llover.

Noong nakaraang Disyembre 27 sa Tokoname, na-knockout ni Llover si Ayati Sailike sa ikalawang round upang mapanatili ang ti-tulo ng OPBF bantamweight sa pangatlong pagkakataon.

“We are still waiting for tickets,” Tugon ng two-weight world champion Gerry Peñalosa, na namamahal at nagta-taguyod kay Llover.