Advertisers
PATULOY na umaarangkada ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapalawak ng grassroots at elite development program nito sa buong bansa bilang bahagi ng layuning makalikha ng mga world-class na manlalangoy at atleta sa iba’t- ibang larangan ng aquatics.
Ayon kay PAI Secretary General Eric Buhain, nagbubunga na ang holistic development program ng asosasyon dahil sa mas agresibong pagpapatupad ng mga regional program kabilang ang coaching at training activities, learn-to-swim programs, at serye ng mga kompeti-syon upang matukoy at mahasa ang mga bagong talento.
“We are focusing on the continuity of our program from the regional level up to the national level. We congratulate our regional directors who were reelected because they will continue guiding our swimmers not only to win competitions but also to improve their performance times,” paha-yag ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports” forum na sinusuportahan ng Philippine Sports commission, Behrouz at Pocari Sweet nitong Huwebes sa PSC Conference Room.
Ipinunto ni Buhain na ang malaking bilang ng mga kalahok sa isinagawang National Tryouts noong nakaraang buwan para sa pagpili ng pambansang koponan na lalahok sa 40th Southeast Asian Age Group Championships at 20th Asian Age Group Championships ay patunay sa paglakas ng antas ng kompetisyon sa lokal na swimming.
Mahigit sa 1,000 atleta ang sumali sa tryouts, isang kahanga-hangang bilang lalo’t pawang mga medalista sa kani-kanilang regional championships ang mga kalahok.
“The level of competition in the national tryouts was truly intense because these swimmers are the best from their regions,” sambit ni Buhain,nakakuha ng bagong mandato kasama si PAI president Miko Vargas, sa naganap na election sa PAI nitong Marso.
Gamit ang bronze medal time mula sa nakaraang age-group championships bilang qualifying standard, nakabuo ang PAI ng 24-man team para sa Southeast Asian Age Group Championships sa Malaysia, habang 20 batang swimmers naman ang bubuo sa koponan para sa Asian Age Group Championships sa Bangkok, Thailand.
Sinabi rin ni Buhain na plano rin ng bansa na magpadala ng mga koponan sa water polo, diving, artistic swimming, at open water swimming.
Nakatakda ring idaos ng Pilipinas ang 4th Southeast Asian Open Water Swimming Championships sa Agosto 21 hanggang 23 sa Boracay New Coast sa Aklan. Ayon kay Buhain, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang PAI kay Malay, Aklan Mayor Flori-bar Bautista para mati-yak ang maayos na pagsasagawa ng national open water swimming tryouts na gaganapin sa Hunyo 5-7 sa parehong venue.
Ang mga medalists at qualifiers sa naturang tryouts ang bubuo sa pambansang koponan para sa Southeast Asian Open Water Swimming Championships.
Binigyang-diin din ni Buhain na puspusan ang paghahanda ng PAI para makabuo ng matatag na koponan para sa Asian Games sa Nagoya, Japan na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Automatic seeded na sa national team ang anim na gold medalists ng nakaraang Southeast Asian Games sa pangunguna ni Olympian Kayla Sanchez. Gayunman, sinabi ni Buhain na hindi pa rin garantisado ang kanilang puwesto kung may ibang swimmers na makahihigitan sa kanilang SEA Games performances sa national tryouts na gaganapin sa Hunyo 19-21 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center.
Dagdag pa niya, bukas din ang tryouts para sa mga Filipino swimmers na nakabase sa abroad.