Advertisers
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na maaari nitong gamitin ang posibleng pagdalo ni Senator Ronald dela Rosa sa mga sesyon ng Senado sa pa-mamagitan ng video conferencing upang matukoy ang kanyang kinaroroonan kung maaprubahan ang panukalang amyenda sa Senate rules.
Lumutang ang usapin sa gitna ng mainit na debate sa pagitan ng majority at minority blocs sa Senado hinggil sa mungkahing pahintulutan ang mga senador na dumalo, bumoto, at makilahok sa mga sesyon sa pamamagitan ng remote o online participation.
Kinuwestiyon ng mga miyembro ng minority bloc ang panukala dahil maaari itong mapakinabangan ng mga senador na nahaharap sa mga kaso, imbestigasyon, o arrest warrant, partikular si dela Rosa.
Sa kabila nito, sinabi ng PNP, maaari parin nilang gamitin ang online appearance ni dela Rosa upang matukoy ang kanyang lokasyon.
“We will try to ascertain his whereabouts or his location using the link or whatever ‘yung gagamitin nila (they will be using) sa pang teleconferencing,” ayon kay PNP Public Information Office chief Allen Rae Co.
Si dela Rosa ay co-perpetrators ni dating pangulo Rody Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court (ICC). Una nang naaresto si Duterte nangayo’y higit isang taon nang nakakulong sa The Hague, Netherlands.
Nabanggit din sa talakayan sa Senado si Senator Bong Go, na tinukoy bilang isa ring co-perpetrator sa ICC complaint, kasama ang iba pang senador na nahaharap sa magkakahiwalay na reklamo at imbestigasyon.
Nagpahayag naman ng pangamba ang mga kritiko sa panukalang amyenda dahil maaari itong magamit sa mga impeachment proceedings at iba pang high-profile cases. (Boy Celario)