Advertisers

Advertisers

2 holdaper, dinakip ng QCPD  

0 22

Advertisers

Dinakip ng mga alkalde operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang holdaper nang holdapin ang isang pedestrian nitong Sabado sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD Director, PBrig. Gen. Redrico A. Maranan, mula kay 

PLt. Col. June Paolo Abrazado, Station Commander of Kamuning Police Station (PS 10), kinilala ang mga nadakip na sina Mark Justin Malong aznar, 19-anyos; at John Ruach Vidal Eleazar, 19, kapwa residente ng  Brgy. 130, Caloocan City.



Sa imbestigasyon,  2:00 ng madaling araw nitong Setyembre  2024, habang naglakad ang biktima sa Scout Torillo St., Brgy. Sacred Heart, Quezon City, nilapitan at hinoldap ang biktima ng mga suspek. Kinuha ang mga suspek ang cellphone ng biktima at tumakas patungong Kamuning.

Agad na ipinapaalam ng biktima ang insidente sa PS 10 na agad naman na nagsagawa ng follow-up operation.



Dakong  4:05 ng madaling araw, habang nagpapatrolya  ang mga operatiba sa kanto ng Sgt. Esguerra St., at Scout Ybardolaza St., Brgy. South Triangle, Quezon City, naispatan nia ang dalawang suspek at inaresto.

Narekober sa mga suspek ang isang black Oppo cellphone; isang baril at isang kulay itim na Honda click 125 motorsiklo na walang plaka.(Almar Danguilan)