Advertisers

Advertisers

PBBM pinatitiyak mananatili ang presensiya sa Escoda Shoal

0 17

Advertisers

NANANATILI ang estratehikong presensya ng Pilipinas sa Escoda Shoal kahit na nakaalis na ang BRP Teresa Magbanua sa lugar, ayon kay National Maritime Council (NMC) spokesperson, retired Vice Admiral Alexander Lopez.

“Ang direktiba ni Pangulo ay i-maintain natin ‘yung ating presensya,”sinabi ni Undersecretary Lopez sa panayam sa kaniya ng Malacañang Press Corps nitong Lunes.

Sinabi ni Lopez na ang pag-pullout sa shoal ay hindi nangangahulugan na ibibigay ng bansa ang pag-angkin nito sa lugar, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.



Kabilang dito ang mga reconnaissance mission gamit ang sasakyang panghimpapawid at iba pang teknikal na kakayahan, sa tulong ng mga kaalyado ng bansa tulad ng US, Japan, at Australia, dagdag niya.

Sinabi ni Lopez na maaaring subaybayan ng Pilipinas ang Escoda Shoal gamit ang isang barko na nilagyan ng radar, na binabanggit na ang mga aktibidad sa pagsubaybay ay maaaring dagdagan ng mga karagdagang asset mula sa Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG).



“Like for example nagpapalipad tayo ng eroplano… nagpapalipat din ng eroplano ‘yung AFP (Armed Forces of the Philippines) nagpapadala din ng barko. So these are the modalities na puwede din gawin para ma-cover di lang ‘yung Escoda, but the whole West Philippine Sea for that matter,” sabi pa niya.

Malapit na ring magpadala ng mga tauhan ang PCG sa shoal kapag bumuti na ang panahon, ayon kay Lopez. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">