Advertisers

Advertisers

2 matapang na character actress may war na ang dating sanib-pwersa

0 40

Advertisers

Ni Wendell Alvarez

MARAMI ang nagtatanong kung bakit daw hindi na nila masyadong nakikitang magkasama ang dalawang matapang na character actress.

Kung nuon daw talagang tandem itong dalawang character actress, lalo na sa mga showbiz event hindi sila naghihiwalay kung nasan yung isa kailangan nandun din ang isa.



Sinasabi ng mga taong malapit sa dalawang actress, mahigit pa raw sa magkapatid ang turingan ng dalawa, at may motto pang “One for All, All for One”.

Kung may kaaway ang isa sa kanila, hindi pwedeng siya lang dapat maging kaaway na rin ng isa, ganyan ang samahan nilang dalawa, kaya naman marami ang natatakot sa kanila, dahil kung wala mang pisikal na mangyayari, sa bunganga pa lang nilang dalawa ay talagang matotorete ka na sa takot, kung baga parang bumubuga ng apoy ang kanilang bibig.



Naalala ko nga nuong panahon bago mag pandemic mayroon silang inaway na female singer kasi nga nag inarte ito sa isang konsierto, pero bago sila bumuga ng apoy inalam muna nila kung ano ang katotohanan sa likod ng kwento at nang nalaman nilang maling-mali ang ginawa ng female singer ayon tumirada na silang dalawa at ang lahat hindi na nakaporma lalo na ang manager ni female singer.

Kaw ba naman ang ratratin ng parang machine gun lalaban ka pa ba. Kaya naman maswerte kung maging kaibigan mo silang pareho dahil kung ano man ang problemang darating sa iyo ay talagang ipagtatanggol ka nila.



Kaya ang hiling ng mga taong nakapaligid sa kanila sana raw matapos na ang cold war sa pagitan ng dalawang character actress para sumaya ulit ang showbiz industry kasi ito yun nami-miss ng mga fans.

Para nga raw silang Russian and Ukraine na hindi alam ng buong mundo na mayroon na palang namamagitang giyera, nalaman lang ito nang sumiklab na.

Pero kung magiging kaibigan mo itong dalawa, talaga namang napakabait nila dahil bukod sa ipaglalaban ka ay talaga namang marunong ding mag share ng blessings.

Kapatid na Blessie, my dear Editor….wala na munang clue baka tayo ang ratratin. Pero kilala mo sila for sure.

***

NASA puso pa rin nina Sen. Bong Revilla ang Congresswoman Lani Mercado ang showbizness dahil very accommodating ang pagtanggap nila nang mag courtesy call ang The Entertainment Arts & Media o TEAM off sa kanyang tanggapan at the second floor of Senate at Financial Centre GSIS building, J. W. Diokno Blvd, Pasay City.

Nag effort talaga ang TEAM officers kina Sen. Bong and CongW Lani para iabot ang Plaque of Appreciation nila sa walang sawang pagsuporta sa lahat ng projects ng TEAM simula nang itinatag ito nuong 2012.

Binigay rin ng TEAM ang copy ng LIMELIGHT magazine na inilunsad first week of September 2024, kung saan sila ang cover at naka-headline ang “The Power of Two”.

Ang nasabing magazine ay lalabas regularly every two months or bi-monthly. With the name LIMELIGHT: The TEAM Chronicles.

Majority of our members are mostly from showbiz industry kaya ang nilalaman ng nasabing magazine ay mga exclusive story ng mga artista.

Pinaunlakan naman ng sikat na loveteam of showbiz and politics ang hiling ng TEAM na magpa autograph for their souvenir.

Malaki ang pasasalamat ng TEAM officers sa pamumuno nina Nonie Nicasio, Anne Venancio, Maridol Ranoa Bizmark, Obette Serrano, Maryo Labad, Noel Orsal, Wendell Alvarez, Pilar Mateo, at Danny Vibas. Present din si Roland Lerum.