Advertisers
KAHANDAAN ng Philippine Memory Team ang masinsin na tatalakayin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Setyembre 19 sa Rizal memorial Coliseum VIp Room.
Sasabak ang koponan sa Asian Open Memory Sports Championships sa Setyembre 27-28 sa Singapore Polytechnic.
Pangungunahan ni National Team Head Coach Anne Bernadette “AB” Bonita, tumatayo ring pangulo ng Philippine Mind Sports Association (PMSA), ang mga panauhin sa lingguhanh sports forum ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission at Pocari Sweat.
Makakasama niya at inaasahang magbibigay ng exhibition ang mga Nationals tulad nina Venir P. Manzalay III (11 y.o.), Jessica Raine A. Rellora (12 y.o.), Chelsea Anne B. Galamgam (11 y.o), Charles Andrei B. Galamgam (14 y.o.) at Angel Mikhail T. Sanchez (17 y.o.).
Inaasanyayahn ni TOPS president Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngaton ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa TOPS usapang spoprts Facebook page at sa Channel 8 ng PIKO (Pinoy Ako) – ang pinakabagong network apps na libreng mada-download sa android phone.