Advertisers

Advertisers

Alas Pilipinas Men dumating na sa Italy

0 7

Advertisers

ANG Alas Pilipinas Men ay dumating na sa Italy para sa dalawang linggo na training camp upang palakasin ang kanilang kahandaan para sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship.

Sa social media post Martes,na ibinahagi sa Facebook page ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF), sinabi ng team na makakaharap nila ang Italian volleyball squads sa nasabing campo.

Kinumpirma ni head coach Angiolino Frigoni na makakalaban ng nationals ang “second level” squad.



“We play some matches there, not with the best team, because the best team, they are already in the competition, but the team for the second level in Italy, they are even good for us,” Wika ni Frigoni sa drawing of lots Sabado sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City.

Alas Men ay na grupo sa Pool A kasama ang Iran, Egypt, at Tunisia sa first round ng world championship.

Samantala, sinabi ni UST Golden Spikers Josh Ybañez na malaking privilage na maglaro laban sa high-skilled Italian players.

“Feel ko sobrang privileged namin kasi nga makakapunta kami Europe and we’ll be able to play against sa mga player doon sa Italy and alam naman namin kung gaano sila ka-high yung level ng volleyball doon,” Sambit niya sa parehong event.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">