Advertisers

Advertisers

Nasawi ang isang mister at kritikal ang misis nito nang hindi agad nakalabas sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Bayan Luma V, Imus City, Cavite. Hindi na nailabas at tuluyang natupok ang katawan ng biktima na kinilalang si Virgilio Sarreal nasa hustong gulang habang inoobserbahan sa pagamutan ang misis nito na si Pacita Sarreal, kapwa residente ng Brgy. Bayan Luma V, Imus City, Sa ulat, 11:50 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng mag-asawa ng dahil sa umanoy faulty electric wire. Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan at nadamay pa ang ilang mga katabing bahay at dahil sa hatinggabi ang nangyari ay nasa kahimbingan ng tulog ang mag-asawa kaya’t hindi agad nakalabas ang mister. Tumagal ng may mahigit sa 2 oras bago tuluyang naapula ang apoy at natagpuan ang sunog na katawan ng biktima.

0 32

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang pagnakawan at patayin ang isang Korean national kahapon sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police Station ang suspect na si Raffy Abarquez, 35, taga Montalban, Rizal,  nahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 294 of the RPC (Robbery with Homicide) at RA 10591.

Samantatala, nasawi noon din ang biktima na si Minchurl Kim, 32, binata, nakatira sa 1012 Citadel Inn, 5007 P Burgos St., Barangay Poblacion, Makati City, nagtamo ito ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.



Sa report ng Makati City Police, 12:40 ng madaling araw nang madakip ang suspect sa Arsonvel Street, Barangay San Isidro sa kanilang ikinasang follow-up operation.

Bunsod ng ginawa umanong panghoholdap at pamamaril ng suspect sa biktima noong ika-11 ng Setyembre ng taong kasalukuyan sa pagitan ng San Miguel at Bel Air Village, Barangay Bel Air Makati City.(GaynorBonilla)



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">