Advertisers

Advertisers

BATONG-BATO SA PAGTALIMA KAY EX-PRESIDENT!

0 2,511

Advertisers

Nasa 3,363 ang nakapaloob sa OFFICIAL DRUG LIST ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA), subalit pagsapit sa MALACAÑANG ay dinagdagan ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE kaya naging 6,221 ang bilang ng mga pangalang nasangkot sa DRUG LIST nang walang kaukulang beripikasyon.., na nagresulta sa tila BATONG-BATO na pagtalimang isinakatuparan ni noo’y PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF at ngayo’y SENATOR RONALD “BATO” DELA ROSA para sa EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) ng nakaraang administrasyon laban sa sektor ng ILLEGAL DRUG TRADE.

Sa pagbubunyag ng PDEA nitong nakaraang Huwebes sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay hindi kabilang si EX- ILOILO MAYOR JED PATRICK MABILOG sa unang listahan ng mga nasasangkot sa ILLEGAL DRUG TRADE noong DUTERTE ADMINISTRATION.

Ang pagkakabilang ng pangalan ni MABILOG sa sumunod na listahan ay dahil ginawa umano ito ni EX-PRES. DUTERTE.., na ayon sa pagsasalaysay ng PDEA ay
naglabas lamang sila ng paunang listahan na naglalaman ng 3,363 pangalan at personalidad na konektado sa ILLEGAL DRUGS…, at dinagdagdan naman ito ni DUTERTE sa ikalawang listahan at lumobo ito sa 6,191 dahil pinagsama ito sa listahan ng PDEA.



Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga pangalan kabilang na si MABILOG at umabot sa 6,221.., na ang pinalobong bilang ay opisyal na tinawag itong DUTERTE’S LISTS o PRRD (President Rodrigo Roa DUTERTE) LIST

Ang ikalawang listahan na galing kay DUTERTE ay ipinalalagay na naglalaman ng mga pangalang nais mawala ng EX-PRESIDENT.., na ang listahang ito ay nakuha mula mismo sa TANGGAPAN NG PANGULO noong Agosto 29, 2017.



Bunsod nito ay mariin namang itinanggi ni MABILOG ang anumang partisipasyon sa ILLEGAL DRUGS at iginiit na isinama lamang siya sa listahan dahil sa POLITICS.

Tinawagan ni dating PNP CHIEF at ngayo’y SEN. DELA ROSA si MABILOG para sa pagpapakita ng simpatiya.., gayunman ay nagduda na si MABILOG sa sinseridad at pagiging totoo sa tawag ni BATO.
E.., sino nga naman ang hindi magdududa sa intensyon ni BATO lalo na’t kilala itong isang walang anumang alinlangan sa naging pagtalima ng anumang iutos sa kaniya ni EX-PRES. DUTERTE.., ika nga BATONG-BATO SA naging pagtalima sa kung sino man ang patatahimikin o pabubulagtain bilang siya ang PNP CHIEF noon ni EX-PRES. DUTERTE.



Kaya naman etong si MABILOG ay lalong nagduda nang tawagan siya ng isang PNP OFFICIAL na huwag na siyang bumalik sa ating bansa dahil pupuwersahin siyang ituro ang mga personalidad na isangkot sa droga.., na kabilang sa mga personalidad na ipatuturo sa kaniya ay sina MAR ROXAS at pinsan niyang si FRANKLIN DRILON dahil ang dalawang ito ang pinuno ng oposisyon at mga LIBERAL PARTY LEADERS noong panahong iyon.

Nanirahan si MABILOG sa ibang bansa ng pitong taon dahil sa takot na siya’y maipapatay ni DUTERTE.., na kamakailan lang siyang bumalik sa ating bansa upang ilantad ang
katotohanan sa likod ng DUTERTE NARCOLIST at ang mga mabibigat na reyalidad na kinaharap niya dahil sa mga kasinungalingang ipinahayag ng EX-PRESIDENT.

Siyempre pinasinungalingan ni BATO DELA ROSA ang testimonya ni MABILOG sa pagsasabing ito ay isang “FISHING EXPEDITION” lamang at isang DEMOLITION JOB ng ANTI-DUTERTE.., na isang desperadong hakbang
ito ni BATO upang mailayo o mailihis ang usapin sa kanya at itago ang katotohanan.., dahil siya ang pangunahing
nagpapatupad ng WAR ON DRUGS ni DUTERTE at kailangan niyang sagutin ang libu-libong buhay na
nawala sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang PNP CHIEF.

Ang ginawang DUTERTE’s DRUG LISTS ay indikasyon para supilin ang mga oposisyon upang magkaroon ito ng lubos na kapangyarihan sa ating bansa.., ito’y isang klasikong hakbang ng isang diktador na patahimikin ang kanyang mga kritiko.., sa gayon ay maisakatuparan ang
baluktot niyang mga plano kabilang ang pagpapalakas ng CHINESE DRUG CARTEL at pagbebenta ng ating mga lupa sa mga dayuhan,

Ang lahat ay para sa pansariling kapakinabangan ni EX-PRES. DUTERTE na ang nasa likod nito ay si BATO DELA ROSA at ginamit ni DUTERTE bilang pangunahing HITMAN.., ika nga, mapanlinlang itong si DUTERTE na nagawang i-kondisyon ang isipan ng sambayanan na mayroon siyang sagradong misyon na linisin ang bansa mula sa matagal nang problema sa droga.

Datapuwat.., ginamit pala ni DUTERTE ang kanyang pagkapangulo upang palakasin ang sarili niyang kartel, tanggalin ang kanyang mga kakumpitensya at patayin ang sinumang hahadlang sa kanyang daan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.