Advertisers

Advertisers

‘MAGPAKALALAKI KA, HERMINIO’

0 70

Advertisers

NALULUNGKOT si Kin. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte sa patuloy na pagtatago ni Herminio “Harry” Roque. Walang dapat ikatakot si Roque sa QuadComm dahil walang hiningi ang komite kundi ang mga dokumento na kanyang ipinangako na ibibigay. Hanggang ngayon, wala pang isinumite si Roque.

Hindi alam ng QuadComm kung bakit nag-iba ng tono ng salita si Roque. Sa binitiwang salita ni Roque na naka-post sa kanyang account sa Facebook, kinuwestiyon ng pugante ang QuadCom kung may kapangyarihan ito na hingin ang mga dokumento. “Magpakalalaki ka at isumite ang iyong ipanangakong dokumento,” ani Barbers, ang tumatayong presiding office ng Quadcomm na kasalukuyang nagsisiyasat sa mga POGO at EJKs.

Ganyan kasakit ang sinabi ni Kin. Romeo Acop ng Antipolo City kay Senador Bato dela Rosa, isa sa mga inakusahang may pananagutan sa mga EJKs sa bansa noong si Gongdi pa ang pangulo. “Magpakalalaki ka at huwag magtago sa saya ni Sara,” aniya. Upperclassman ni Bato si Acop. Pareho silang nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). Ngunit mukhang walang respeto si Acop sa kanya.



Kasama ni Harry na nagtatago ang asawa niya na si Myla. May bumabang contempt order na upang siyasatin si Harry at Myla dahil sa biglang laki ng halaga ng asset ng BianCham Corp., ang kumpanya ng mag-asawang Roque. Hinihinalang ginamit ang kompanya sa operasyon ng POGO sa bansa. Itinatag ang Biancham noong 2015 na may kapital na P125,000. Biglang lumaki ang asset nito sa P68 milyon noong 2018.

Ipinangako ni Roque na isusumite niya ang mga dokumento tulad ng financial statement ng Biancham at ITR nilang mag-asawa. Ngunit hindi tinupad ni Roque ang pangako at tinawag na “kangaroo court” ang QuadCom. Binubuo ng apat na komite sa Camara de Representante – human rights, public accounts, good government, at illegal drugs.
***
HINIHINTAY namin ang anumang pagsisiwalat ni Sara Duterte hinggil sa pagkikita nila ni Leni Robredo sa Naga City. Hanggang hindi sinasabi ni Sara ang detalye, walang dapat paniwalaan sa mga lumalabas. Kailangan marinig natin ang panig niya.
***
NOONG Biyernes, itinaas ni Ispiker Martin Romualdez ang kamay ni Kin. Gerville “Jinky” Luistro bilang opisyal na kandidato ng lapiang Lakas-NUCD sa pagka-kinatawan sa ikalawang distrito ng Batangas. Lalaban si Luistro bilang reeleksiyonistang kongresista sa distrito. Nakita ang kanyang natatanging galing bilang isang mambabatas.



May mga netizen na nais tumakbong senador si Jinky Luistro. Tumanggi si Luistro sa mga udyok at sinabing hindi pa siya hinog sa karanasan bilang isang mambababatas.Nais niyang matutuhan ang ibang aspeto ng buhay ng isang mambabatas. Bukod diyan, may obligasyon pa siya sa distrito ng Batangas. Malinaw.
***
SUMISIKAT rin ang baguhang mambabatas na si Rep. Joel Chua ng ikatlong distrito na Manila. Sa huing pagdinig ng kanyang komite sa good government, hind siya nagpadala sa init ng ulo ni Sara. Hindi siya nagpasuwag sa kanya. Nagpakalalaki sa madaling salita.

“Sara behaved like an entitled brat that she is,” aniya pagtapos tumangging sumumpa at magbigay ng testimonya si Sara. Umalis rin na wala sa takdang panahon si Sara. Ipinakita niya ang nakatagong galit sa proseso ng komite. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
***
HINDI namin alam kung isasama si Manang Imee sa tiket ng administrasyon na tatakbo para senador. Malaking dahilan ang kanyang pagkampi kay Sara. Mukhang matamlay ang kanyang kapalaran bilang isang reeleksiyonistang senador. May mga ilang kasama sa kampo ni BBM na labis ang pagkontra sa Manang.



Nanganganib rin ang kapalaran ni Francis Tolentino. May mga humaharang na isama siya sa tiket. Tingnan natin kung totoong masasama siya dahil kampi sa Tsina si Tolentino at nagpapangggap lang siya bilang kampi sa Estados Unidos. Mas gusto namin na palitan siya ni Barbers dahil hitik sa ideya ang utak niya.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Sabi ko sa isang digoon na pumasok sa wall ko. ‘Lumayas ka sa wall ko dahil hindi ka naman kasali sa usapan. Hindi ka rin imbitado. Wala ka namang ibabahagi na matino sa talakayan. Hindi para sa iyo ang mga usapan dito. Hindi kaya ng pang-unawa mo.’ Sabay block. Tapos ang kuwento Hindi ko na pinahaba pa. I have the last say – and last laugh … Alam ko na masakit sa kanila ang pagsabihan ng ganito. Ano ang magagawa ko? Sa wall ko siya magkakalat… No way …” – PL, netizen, kritiko

“HAD Germany’s planned acquisition of Mindanao pushed through in 1910, the people of Mindanao would be speaking in German, or Ger-Vis, mixed German and Visayan). We would not have problems of secession, or separatism because Mindanao would be a separate country. We would not have Rodrigo Duterte as president and any of those translation issues peddled by Sal Panelo. We would not have those stupid senators from Mindanao – Migs, Mane, Bato, and Beho, lording over Congress with their inane antics and statements. We would probably be a little happy because we don’t have to deal with a strife-torn Mindanao, whose history is fraught with violence and extremism. Talking of quirks of history.” – Jorge Aguila, netizen, kritkiko

***

Email:bootsfra@yahoo.com