Advertisers

Advertisers

6 patay sa sunog sa Tondo

0 52

Advertisers

NASAWI ang anim katao sa sunog sa 4 storey residential building sa Barangay 25, Tondo, Maynila, Linggo ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon, kasama ang isang anim na buwang buntis, dalawang batang lalaki edad 2 at 6 ang nasawi nang ma-trap sa nasusunog na bahay.

Napag-alaman na hindi nakababa sa ikatlong palapag ang mga biktima nang ma-trap ng apoy.



Nagsimula ang sunog 4:39 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng bahay.

Ayon sa isa sa kaanak na nakaligtas, may biglang sumabog, at nang ibinababa ang kanilang ‘breaker’ ay pumutok naman ang kanilang ilaw kungsaan may mga apoy na dumikit sa kanilang mga kurtina.



Sa bilis ng pagliyab, una niyang iniligtas ang kanyang senior na ina at pinsan at pagbalik sa loob ng bahay makapal na ang apoy sa gitnang bahagi ng apat na palapag na bahay.

Sa ilang nakaligtas na kaanak, dalawa rin ang nagtamo ng matinding lapnos sa katawan.



Napag-alaman na 13 katao ang nakatira sa nasabing gusali.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, walang fire exit ang nasabing gusali.

Naapula ang sunog 5:40 ng umaga

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa insidente. (J. Domenden)