Advertisers

Advertisers

BARAYUGA MURDER CASE PINABUBUHAY!

0 60

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Marbil, ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa kasong pagpatay kay retired Police Brigadier General at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.

Ang kautusan ni Marbil ay kaugnay ng testimonya ni Lt. Colonel Santie Mendoza sa pagdinig ng House Quad Committee na inatasan umano siya ni National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo (retired Police Col.) at dating PCSO General Manager Royina Garma (retired Police Col.) para patayin si Barayuga noong Sept 27.

Ayon kay Mendoza, ang dalawang opisyal ang nagplano ng pagpatay. Si Garma ang nagbigay ng mga intelligence sa bawat galaw ni Baruga. Ito ay mayroon daw kaugnayan sa isang high value individual na sangkot sa operation ng illegal drug.



Sinabi ni Marbil na ang pahayag ni Mendoza ay isang seryosong alegasyon na dapat masusing imbestigahan.

“This revelation demands a thorough reinvestigation of the murder. No one is above the law, and we will seek justice for Ret. Gen. Wesley Barayuga and his family with the full resources of the PNP,” diin ni Marbil.



Inatasan ni Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pangunahan ang pagsasagawa malaliman imbestigasyon.

Binigyaan diin ni Marbil na dapat pag-aaralan at suriin mabuti ang lahat mga ebidensiya at testimonya ni Mendoza, at makipagtulungan sa iba pang ahensiya upang matiyak na ang proseso ay maging impartial at transparent.



“We are committed to uncovering the truth, regardless of the position or power of those involved. The public can rest assured that we will hold those responsible accountable,” pagdiin ni Marbil.

Ang muling pagbubukas ng Barayuga case ay isang malaking development sa PNP na maresolba ang high profile case, partikular na ang mga nasasangkot ay pawang public official.

Ang kasong Barayuga ay unsolved mula 2019.

Magugunita na pinagbabaril at nasawi si Barayuga, habang sugatan ang driver nito na si Jojo Gunao ng isang lalaking nakamotorsiklo sa Calbayog St., Brgy Highway Hill Mandaluyong City, July 2019.(Mark Obleada)