Advertisers

Advertisers

Repatriation ng mga OFW mula Lebanon, magpapatuloy – DMW

0 33

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpapatuloy sa unang bahagi ng susunod na buwan ang repatriation ng 15 overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon, na orihinal na naka-iskedyul ngayong linggo.

Ayon kay DMW Undersecretary Felicitas Bay, iuuwi sana ang mga OFW na ito noong Setyembre 26, ngunit sinuspinde ang mga flight dahil sa tumitinding tensyon sa naturang Arab country.

Sinabi ng opisyal, ni-reschedule ang repatriation sa Oktubre 2 ayon aniya sa Migrant Workers Office.



Nauna nang pinayuhan ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Filipinos upang manatiling mapagbantay at maiwasan ang ilang mga lugar malapit sa Beirut matapos maglunsad ng mga air strike ang Israel.

Nitong Sabado, iniulat ng Reuters na narinig ang mga air strike sa southern suburbs ng Beirut habang naglunsad ang Israel ng mga air strike.



Pahayag ni Bay, na mula nang sumiklab ang sigalot ng Israel at Hamas noong Oktubre ng nakaraang taon, nasa 430 OFW na ang naibalik ng gobyerno sa Lebanon.

Ayon kay Bay, boluntaryo ang repatriation dahil nasa Level 3 pa lamang ang alertong itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansang Middle Eastern.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">