Advertisers

Advertisers

DonBelle pakikiligin ang fans sa bagong serye; Kim naiyak dahil kay Sir Deo

0 45

Advertisers

Ni Jimi Escala

HINDI napigilang umiyak ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu nang banggitin niya ang pangalan ng namayapang Sir Deo Endrinal na isa sa pinasalamatan niya nang tanggapin ang Outstanding Asian Star Award sa Seoul International Drama Awards 2024 (SDA).

Personal na tinanggap ni Kim ang nasabing award at talagang naglaan siya ng panahon para makarating sa bayan ng mga oppa, Seoul, South Korea upang tanggapin ang award kasabay ang iba pang aktor mula sa ibang Asian countries, huh!



Kasama sa mga pinasalamatan ni Kim sa kanyang acceptance speech ang ABS-CBN, Star Magic boss Laurenti Dyogi na kasama niya sa Seoul, at ang grupo ng seryeng “Linlang”.

Nanalo si Kim ng award dahil sa Linlang ng Dreamscape Entertainment.



Kaya ganun na lang ang pag iyak ni Kim nang banggitin na ang pangalan ni Deo Endrinal na sa totoo lang naman ay naging dahilan kung bakit hindi basta-basta ang mga proyektong napupunta sa aktres, huh! Kumbaga, si Sir Deo ang nagbigay sa kanya ng maagandang exposure para mara­ting ang kasikatan niya, huh!

“Sir Deo, I want to honor this award with you. I wouldn’t be standing here tonight without your trust and guidance and the opportunities you gave me,” sey ni Kim.



Dream come true raw kay Kim ang i-represent ang ABS-CBN at ang Pilipinas.

***

TIYAK na kikiligin nang husto ang fans sa handog nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Ito ay ang inaabangang Viu original series na How to Spot a Red Flag mula sa partnership ng ABS-CBN at Viu, at sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Na-excite nga ang fans sa teaser na pinost online matapos opisyal nang inanunsyo ng DonBelle ang title at logo ng serye sa isang story conference at script reading na ginanap noong isang araw (Setyembre 25).

Makakasama sa light romantic drama sina Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr, at Kira Balinger. Pangungunahan ito ng batikang direktor na si Dwein Baltazar.

Iikot ang kwento ng How to Spot a Red Flag sa isang matapang na barista (Belle) na mahuhumaling sa isang aroganteng bad boy (Jameson) at sa isang cute na good boy (Donny). Makakahanap pa kaya siya ng real love kapag nalaman niyang magkasabwat pala ang dalawang lalake sa panloloko sa kanya?

Ang How to Spot a Red Flag ang unang Viu original series na local na gagawin ng ABS-CBN at Viu pagkatapos ng matagumpay nilang partnership para sa mga Philippine adaptations na The Broken Marriage Vow, Flower of Evil, at What’s Wrong with Secretary Kim.