Advertisers

Advertisers

KASINUNGALINGANG GARMA AY DUTERTE STYLE!

0 23

Advertisers

Tanging sa PILIPINAS lang marahil na isang pulis ay napag-aralan at napadalubhasa nito ang mga sistema para mapaunlad ang propesyon at pangkabuhayan sa anumang pamamaraan bilang pagtalima.., na isang replika ng DUTERTE-STYLE ang mga kasinungalingan upang maisalba ng isang dating PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA ang mga krimeng iniaakusa laban sa kaniya sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC).

Etong si GARMA ay isa lang sa mga pinagkakatiwalaang alipores ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at hindi na ikagugulat pa kung sasalaminin natin ang INNER CIRCLE ni DUTERTE na gabundok ang mga ginawang KUWESTIYONABLENG appointments.., ika nga e nariyan si RONALDO “BATO” DELA ROSA na mula sa pagiging PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF ay naging LAWMAKER bilang isang SENATOR na parang natural lang na career move.., nariyan din si CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO na dating EX-GLORIFIED ERRAND BOY ni DUTERTE na ngayon ay pumaparada sa SENATE.., at ang matindi ay ang CHINESE BUSINESSMAN at DRUG LORD na si MICHAEL YANG na umaktong ECONOMIC ADVISER ng EX-PHILIPPINE PRESIDENT gayong hindi naman ito FILIPINO CITIZEN.., e puwede ba nating paniwalaan na ang mga appointment ng mga ito ay base sa kanilang kakayahan at hindi sa pagiging mga bulag nilang katapatan sa pagtalima anuman ang iatas sa kanila?

Habang sinusubaybayan natin ang CQC HEARING ay si GARMA ang may pinaka-makulay na resume.., mula sa pagiging DRUG WAR COMMANDER na responsable sa pagpatay ng maraming tao sa ilalim ng kampanyang WAR ON DRUGS ni DUTERTE hanggang sa pagiging PCSO GENERAL MANAGER.., na tila ba ang pagiging bahagi ng mga EXTRA JUDICIAL KILLINGS ay paghahanda para pamahalaan ang mga proyektong kawanggawa at medical assistance.



Ang nakagugulat pa.., bilang PCSO GENERAL MANAGER ay naglaan si GARMA ng P2 milyon mula sa pondo ng PCSO para itayo ang sarili niyang party-list.., na ang PARTYLIST 1st nominee ay si YVONNE BARANDOG asawa ng isang pulis na malapit kay GARMA, at ang pangalawang nominado ay walag iba kundi ang kanyang pinsan.., imbes ilaan ang pera ng bayan para sa kinakailangang mga programang pangkalusugan, medikal na tulong at mga serbisyong pangkawanggawa ay walang kahihiyang ginagamit ang pera ng mga mamamayan para palawakin ang POLITICAL EMPIRE ng kanyang amo.., kaya malinaw na ang ganitong lantad na pang-aabuso sa pondo ng bayan ay hindi mangyayari kung walang DUTERTE BLESSINGS!

Ang DUTERTE TACTICS ay natularan ni GARMA na noong naitalaga siya bilang PCSO GENERAL MANAGER ay itinalaga nito ang 7 niyang kamag-anak sa mga posisyon sa PCSO kabilang ang kanyang anak na babae na 23 taong gulang pa lamang at walang anumang karanasan sa pagpapatupad ng batas.., na ito ay sumasalamin sa matinding halimbawa ng DUTERTE NEPOTISTIC’S STYLE.



Isa pang irony.., kamakailan lang ay histerikal na humihingi ng tulong si GARMA sa CQC para dalhin ang kanyang anak sa HOUSE OF REPRESENTATIVES PREMISES nang ma-detain ito, kasi hindi raw kaya ng kanyang anak na mag-isa dahil sa mga isyu sa mental health. Ngayon, habang sinusuri na siya ng CQC ay iba na ang tono ni GARMA mula sa.., “hindi kaya ng anak ko ito, papunta sa Dsylexia is not a disease and she was able to overcome it. She is very competent in report writing and editing communications!” Ginamit ang mental health card para makakuha ng simpatya ngunit ngayon ay isa na lamang ito sa napakarami niyang mga palusot.

Mga sandamakmak na ebidensyang nahalungkat ng CQC laban kay GARMA ay hindi na nakagugulat na ang isang nagpapakilala bilang ordinaryong pulis ng PNP ay mayroon palang nakatagong yaman. Sa 7th hearing ng CQC ay inamin ni GARMA na nagmamay-ari siya ng isang mansyon sa Hilltop kung saan isinasagawa ang team buildings para sa mga PCSO EMPLOYEE.., isang bagay na itinanggi niya sa naunang hearing. Nagawa pa niyang itanggi ang ari-arian sa pamamagitan ng pagsasabing, “it’s not my property but I developed it.” Nakikinig ba siya sa sarili niyang mga salita? Kasinungalingan mula sa pagsisinungaling na ngayon ay malinaw na nalulunod si GARMA sa sarili niyang mga kasinungalingan habang nahihirapan siyang panatilihing diretso ang kanyang kuwento sa ilalim ng CQC PRESSURES.



Kung gayon.., si GARMA at kaniyang mga alipores ay kahalintulad ni DUTERTE na may iisang bagay na pinagkakasunduan.., na iyan ay ang talento sa pagsisinungaling.., at ang sambayanan ay sawa na sa kanilang kalokohan o panloloko!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.