Advertisers

Advertisers

TUTUKAN ANG PROGRAMA SA EKONOMIYA AT HINDI ANG ‘BANGAYAN’ NG MGA PULITIKO – SEN. FRANCIS TOLENTINO

0 16

Advertisers

INIHAYAG ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa mga kapwa pulitiko na tutukan na lamang ang mga programa sa ekonomiya at hindi ang ‘bangayan’ para maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga Pilipino upang maging masagana ang kanilang buhay.

Labis na nababahala si Tolentino sa mga nagaganap ngayon na bangayan ng ilang politician kaya’t nananawagan ito na magkaisa na lamang dahil walang mangyayari sa bansa kapag patuloy na naggigirian.

Inihalimbawa pa ni Tolentino na ang Thailand ay mayroon ng 36 percent na middle class , ang Malaysia ay 40 percent samantalang ang Pilipinas ay naghahabol pa para maging 20 percent.



Tiwala si Tolentino na sa pagtutulungan ay kaya itong makamtan sa loob ng apat hanggang limang taon basta’t may pagkakaisa ang mga pulitiko at tutukan ang programa sa ekonomiya.

Nais na ipagpatuloy ni Tolentino at tutukan sa kanyang pagbabalik ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa at iahon ang buhay ng mga OFWs na nagbabalik sa bansa sa pamamagitan ng mga ibat-ibang programang pang ekonomiya.



Ang pahayag na ito ng senador ay matapos na maging panauhing pandangal sa 2024 National Congress ( Powering Up ) ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na ginanap sa SMX Complex sa Pasay City.

Nauna rito, si Tolentino ang kauna-unahang re-electionist na naghain ng kanyang COC sa Manila Hotel bilang Senador ngayong 2025 midterm election. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">