Advertisers

Advertisers

David nagtapat, nami-miss si Maria Ozawa

0 18

Advertisers

Ni Archie Liao

AYON kay David Licauco, malaki na ang pagbabago ng tambalan nilang BarDa ni Barbie Forteza mula nang una silang magtambal sa seryeng “Maria Clara at Ibarra.”

Aniya, nag-mature na raw sila ng ka-loveteam.



Mas naiintindihan na rin daw nila ang kanilang trabaho, in terms of emotions na kailangan nilang i-deliver bilang aktor.

Malaking bagay daw na nagkasama sila sa isang pelikula at sa historical seryeng “Pulang Araw.”

Kung noon din daw ay bread trip lang sa kanya ang pag-aartista, ngayon daw ay natutunan na niyang mahalin ang kanyang craft.

Katunayan, kung dati raw ay may ilangan pa sila sa kissing scenes ni Barbie, game na raw sila sa daring scenes sa kasalukuyan.

Sa pagsalang naman niya sa Fast Talk with Boy Abunda, maikukunsidera raw niya ang sariling shy boy over chickboy, pakipot over kuripot, mahilig mag-TikTok kesa manlibre, masarap humalik kesa nakakatunaw ang titig at mahigpit yumakap kesa mahigpit sa pera.



Pagdating daw naman sa ugaling Tsinoy na meron siya, ito raw ang pagiging masinop o kuripot sa pera.

Guilty din daw siya dahil may tinakasan na siyang ka-date noon.

Never pa raw naman siyang niligawan ng babae o pinagsabay na pormahan ang dalawang bebot sa kanyang buhay.

Hindi rin niya ikinaila na nami-miss niya ang co-star na si Maria Ozawa.

Aminado rin daw siyang madalas makalimutan ang kanyang Japanese lines bilang Hiroshi Tanaka sa kanilang serye.

Natanong din siya ng King of Talk kung meron silang sibling rivalry ng kapatid na si James na gumagawa ng pangalan sa larangan ng basketball.

Aniya, hindi rin daw niya itinuturing na may kumpetisyon sila ng utol dahil magkaiba ang larangang kanilang ginagalawan.

Bukod sa pagiging actor, si David ay hands on din sa pagnenegosyo.

Katunayan, target niya na maparami pa ang franchise outlets ng kanyang food business.